Prologue

377 8 2
                                    

"Hahaha, Mommy i'm home!" masayang tumatakbo papasok ng sala ang batang si Naila upang ipaalam sa ina ang kanyang pagdating.

"Sweetie, ang daddy mo nasaan?" sabay halik sa noo ng bata.

"Nasa labas pa po mommy pina-park po ang sasakyan." sagot naman nito habang binababa ang kanyang school bag.

"Okay, go straight to the kitchen i've cooked your favorite merienda." utos ng kanyang ina sa kanya na agad naman niyang sinunod.

Tuwang-tuwa si Naila nang makita niya ang biko na may kasamang hinog na mangga.

Naupo kaagad siya sa upuan at kumuha ng platito at kutsara.

"Wow, napakasarap naman ng niluto ni Mommy." puri naman ng butihing ama ng bata.

"Talagang masarap lalo na at ang mag-ama ko ang kakain. Tara na Dad, maupo ka na alam kong pagod ka sa trabaho at pagsundo sa anak natin. Ipagsasandok kita ng pagkain mo." sagot naman ng ina ni Naila na si Anabella.

"Excuse me po Don Custodio may bisita po kayo." singit naman ng kanyang personal assistant.

"Ah, sino raw?" tanong naman nito sa lalaki.

"Si Señor Alejandro De Lobo po." tugon nito.

"Ah okay sige, susunod na ako." at humalik muna ito sa pisngi ng asawa bago tumayo.

"Kain lang ng kain anak ha." sabi pa nito kay Naila.

"Opo Dad." sagot naman ng bata sa kanya.

Pagpunta ng Don sa sala, sinalubong siya ni Señor De Lobo na pormal ang mukha.

"Señor De Lobo, napagawi kayo sa aking tahanan. Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" bati ng Don sa ginoo.

"Don Fuentobelo" seryosong salubong nito at walang kangiti-ngiti.

"Maupo po muna kayo." alok ng Don sa ginoo.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, didiretsahin na kita. Interesado akong bilhin ang iyong 100 hektaryang manggahan sa Balibago na nasa paanan ng bundok." nagtatagis ang ngiping nakatingin ito sa Don matapos sabihin ang pakay nito.

"Ang aking manggahan? Ikinalulungkot kong sabihin na hindi ko ito ipinagbibili at kahit kailan hindi ito ipagbibili kahit kaninoman." paumanhin ng ginoo.

"Name your prize Fuentobelo."

"I'm sorry Señor De Lobo makakaalis na kayo." sabay tungo nito bilang pasasalamat sa pagpunta nito sa kanyang tahanan.

"Pagsisisihan mo ang ginawa mong pagtanggi sa isang De Lobong katulad ko, Fuentobelo." mariing saad nito sa lalaki bago humakbang papalabas ng mansyon.

"Magandang gabi Señor. Adios!" paalam ni Don Custodio.

Samantala, ang kanyang mag-inang sina Anabella at Naila ay tahimik lamang na nakikinig mula sa kanyang likuran.

Nang kanya itong makita lumapit ang mga ito sa kanya at niyakap siya ng ginang.

"Dad, kinakabahan ako sa banta ni Señor De Lobo." nangangambang salita nito sa asawa habang yakap-yakap siya nito.

"Shh... Huwag kang kabahan. Hindi ako makakapayag na masaktan nila tayo." pagpapakalma nito sa kanya.

"Naitimbre ko na iyan sa kapulisan at mamaya pupunta rito ang abogado natin upang isalin sa anak nating si Naila ang 100 hektaryang lupain at ang buong hacienda naman ay ipapaubaya ko na saiyo aking Anabella." aniya sa asawa habang hinahagod ang likod nito.

Maysakit sa puso ang ina ni Naila kaya hindi pupwede ang mag-alala ito ng husto.

"Mas mainam nang maniguro, tuso ang matandang De Lobo. What De Lobo wants De lobo gets. Hindi siya titigil hanggat 'di mapapasa kanya ang lupain natin."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Possession Series Book 1 [Duology #2]: Naila FuentobeloWhere stories live. Discover now