Chapter 24

25.2K 676 69
                                    

Astraea POV

Kauuwi ko palang galing school at wala akong kasama bukod sa mga katulong sila daddy kasi ay nasa trabaho si ate daisy at ate tina hindi ko alam kung saan pumunta.

Hindi ko rin naman magawang i-message o tawagan si kaiden dahil baka may importante 'yong gagawin. Sa sobrang pagka bagot ay humiga na lamang ako sa sofa at pinikit ang mga mata.

Arf! Arf! Arf!

Iminulat ko ang mata ko at tumingin sa gilid ko kung nasaan si potchi ang alaga kong aso.

"Naboboring ka rin ba?" Tanong ko sakanya.

Arf! Arf! Tahol ng aso.

"Mukhang parehas tayo, tara ilalabas muna kita saglit" sabi ko at nagpaalam kay manang na ilalabas ko lang si potchi.

Ilang linggo na rin kasing hindi nakakalabas itong si potchi kaya baka ma-deprrssed siya.

Alaskwatro palang kaya may mga bata pang nagba-bike. Habang naglalakad lakad ay nakita ko si sir felix, lalapitan ko sana siya pero may kausap siyang dalawang lalaki. Malalaki ang pangangatawan, yung isang lalaking kausap niya ay 'yun rin ang lalaking kausap niya sa may parking lot ng school.

Habang nakatutok ang atensyon ko kay potchi ay biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya.

[Nasaan ka?] Boses ni kaiden.

"Nasa labas nilabas ko muna si potchi nababagot na kasi" sagot ko.

[Bumalik kana, ilock mo ang pinto at wag kang lalabas. Kapag napansin mo ang kulay itim na van sabihin mo agad sakin. Pupuntahan kita sainyo ngayon] sabi niya.

"Sige sige" sabi ko at inend ko na ang tawag. Agad ko namang tinawag si potchi para makabalik na kami.

Sa hindi kalayuan sa bahay namin ay nakita ko ang itim na van at ang lalaking malaki ang pangangatawan at naka kulay asul na t-shirt. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya at may kausap sa telepono.

Gaya ng utos ni kaiden ay nilock ko nga ang pinto at tinext ko kaagad siya.

Ding dong!

Tinignan ko muna sa bintana kung sino ang taong nag doorbell, nakita ko ang pamilyar na kotse at anino ni kaiden kaya pinagbuksan ko kaagad siya ng gate at pinapasok sa loob.

"May napansin ka bang kakaiba nung lumabas ka?" Tanong niya.

"Wala naman, si sir felix lang atsaka yung dalawang lalaking kasama niya. Hindi ko kilala pero yung isang lalaki namukhaan ko, iyon yung lalaking kausap ni sir felix sa parking lot ng school" sabi ko sakanya.

"Bukod don wala na?" Sabi pa niya.

"Atsaka yung van na nakaparada sa hindi kalayuan" sabi ko pa.

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga saka niya binaling ang tingin sakin.

"Nawawala si ate maddie" sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Paanong nawawala?" Tanong ko.

"Nalaman kong hindi pala siya nakapasok kanina, iba ang building ng mga college students sa building natin at medyo malayo 'yon kung lalakarin mula sa building natin hanggang sa building ng mga college students" aniya.

I HATE YOU BUT I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon