Glasses 1

802 10 0
                                    

"Ano ba yan Chelsea, ang bagal-bagal mo dalian mo at baka malate tayo sa klase." Unang pambungad ni Lucy sa akin.

"Andito na, maghintay ka nga." Sagot ko naman sa kanya nang makalabas na kami ng bahay, binatukan niya naman ako.

"Aray, ano ba ba't ba ang hilig mo mambatok?" Aga-aga, nambabatok. Ano problema nito?

"Anong maghintay eh alas otso na, edi late na late na tayo! Ano ba yan Chelsea ang bagal mo pa at ang manhid mo pa."

"Oh, ba't naman na sali yang salitang manhid ?"

"Sikreto ko na yon!'' Sigaw niya at nauna nang maglakad. Eardrums ko. Aray!

--

Pagdating namin sa school, late na nga kami. Hays.

"Oh, late na tayo dahil sa napakagaling na si Chelsea Manhid." Sabi ni Lucy out of nowhere.

"Ano ba talaga yang manhid huh? Di ko gets!" Tanong ko sakanya at sumimangot ako, di ko maintindihan yang manhid eh can someone volunteer and answer me?

"Di mo ba alam, yang si Wave na childhood friend mo at si Blood na classmate mo ay may gusto sayo?" Sagot naman niya.

Then I laughed. Hard.

"Oh, anong makatawa sa sinabi ko?" Tanong niya with matching confused face. I can't stop laughing.

"Eh, ang lakas naman ng trip mo Lucy, si Wave na palagi akong iniinis at si Blood na ubod ng suplado ay magkakagusto sakin? Na may malaking salamin?"

Seryoso ba siya?

Tawa pa rin ako ng tawa. Tsk. What a joke.

Napa-buntong hininga nalang siya at napahawak sa kanyang noo.

"Hay, nako Lucy pumasok na tayo sa second period, dun na lang tayo papasok kasi halimaw yung prof natin sa first period." Sabi ko sa kanya sabay higit ng kanyang kamay at hinila siya papuntang Tower B.

"Oh, sige na nga."

Forest Hills Academy. That's the name of our school.

Ang Campus namin ay malaki, may school garden naman na ang lawak, may dormitories sa each side, Men's  and Women's, may school library which is found at the side of our school park, yup may school park kami, yung location naman ay sa gitna mismo at sa likod niya ay ang aming main campus which is dalawang building pero tinatawag siyang towers bali dalawang towers then sa Tower A ay andun lahat ng mga 1st periods na mga subjects, andun din ang clinic, principal's, club rooms and ang cafeteria.

Sa Tower B andun naman ang mga 2nd 3rd 4th and 5th na mga periods, andun ang Music room, which is for piano, violin, guitar, flute, saxophone lessons, andun din ang Physical Room which is para sa P.E. Lesson at andun din ang Aqua room, which is for the swimming lessons and proper diving.

So tapos na ang ang main campus, so sa harap ng main campus ay ang school park, sa left side ay ang library, meron din naman kaming soccer field, basketball field, tennis field, volleyball, field sa right side.

Sa likod naman ng main campus ay ang covered court dun na hahandle nag mga laro kapag may event at ano-ano pa. Di ba super upgraded ang aming school, wag kayong maingay pero pangmayaman kasi tong school na to, and my dad, Lucy's dad, Wave's dad ang founders ng school na ito, kung nagtatanong kay kung bakit nagdodorm lang kami eh kasi gusto rin naming maranasan ang simple student life di tulad ng mga mayayaman may nakasunod na body guards, mga yaya and etc.

Nangako naman din ako kay dad na aayusin namin ni Lucy ang buhay namin, dahil nagpupumilit kasi kami. At eto namang si Lucy kampi sakin kaya pumayag naman ang mga daddies namin at bibigyan kami ng tatlong lifelines kapag may problema, mababawasan yung mga lifelines namin at kapag maubos ang tatlo babalik kami sa buhay mayaman.

Kaya nag-iingat kami ni Lucy.

Proud To Be ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon