In a Jiffy [SamVon One Shot]

593 23 7
                                    

IN A JIFFY

Devon Seron as Danielle

Sam Concepcion as Sean

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*PROLOGUE*

She's a total stranger. I've never seen her before, but in a jiffy she became my GIRLFRIEND? I lost my girl because of her. She made my life turn upside down because of her lies. She's unpredictable. She's a crybaby. She touched my heart. She made me forget about the girl I loved first. What the fvck did she do to me? Who is this girl really? How was she able to do this, IN A JIFFY?

**

Tahimik na sumisimsim si Sean sa kanyang kape habang panaka- nakang lumilingon sa entrada ng coffee shop na kanyang kinaroroonan. Hinihintay niya kasi ang pagdating ni Cheska, ang babaeng kanyang nililigawan. Nag- usap kasi sila na doon magkikita para sa plano nilang movie date.

Nililigawan niya na si Cheska simula pa noong nasa 3rd year high school sila. Nasa kanyang last year na siya sa college kaya naman kung bibilangin, 5 taon na siyang nanliligaw rito. They were friends but just like what happened in typical love stories, they fell inlove. Pero hindi ganoon kadali ang lahat. Yes, they're friends pero that doesn't mean they can already go to the next level.  

Mayaman sina Cheska, just like him. Nag- iisang anak na babae lang ito kung kaya't sobrang higpit rito ng mga magulang. Nakapagpaalam na siya sa mga magulang nito noon pa pero binigyan siya ng mga ito ng kondisyon. Maaari lang siyang sagutin ng dalaga kapag pareho na silang tapos sa pag- aaral.   Kung kaya't eto siya, matiyagang naghihintay... Nakakatuwang isipin na may lalaki pa palang tulad niya sa panahon ngayon.. Para kasing unti- unti na silang nauubos.. kumbaga sa hayop, nagiging extinct...  

Natigil siya sa saglit na pagmumuni- muni ng pumasok ang isang babae. Maliit ito at morena ngunit makikita naman agad na maganda ito. Simple lang ang pananamit nito di tulad ng ibang babae, ngunit kahit ganoon ay mababakas rito na mula rin ito sa mataas na antas ng lipunan. Sa paraan pa lang ng paglalakad nito, alam na...  

Napatigil ang tingin niya sa mukha nitong maliit at maganda. She has a pale red lips, a cute pointed nose, chocolate brown eyes and unfairly long lashes. Ang mga mata nito ay parang nakangiting tulad ng mga labi nito ngunit sa isang iglap ay nagbago iyon ng mapadapo ang tingin nito sa isang lugar... Sa table na katabi niya... Kung saan may nakaupong isang magandang babae at isang lalaking sa tingin niya ay foreigner..  

Narinig niyang tinawag nito ang babaeng kapapasok lamang. Nakita pa niyang parang nag- aalangan ito pero sa huli'y napilitan ring lumapit. Habang papalapit ito sa dalawa ay napaling ang atensyon nito sa kanya. Parang may kung ano siyang nakita sa mga mata nito.  

Kasabay ng pagtayo niya mula sa upuan para lapitan ang kadarating lang na si Cheska ay ang pagkapit sa kanya ng babae at paghalik sa pisngi niya. 

"Hi babe.. Sorry for making you wait.." sabi pa nito habang nakangiti ng matamis. Nakita na lamang niyang tumakbo palabas ng naturang lugar si Cheska, luhaan. Susundan na sana niya ito ngunit pinigilan siya ng babae.  

Magsasalita na sana siya ngunit naunahan siya nito. Malungkot ang itsura nito habang nagsasalita at animo'y nagmamakaawa. "Please don't go. Just stay and please help me..."  

Walang reaksyon at parang puppet na lang siya sumunod rito ng hilain na siya nito papunta sa mesang halos katabi na lang nila. Nagbatian lamang ang mga ito. Doon na rin niya nalaman na Danielle pala ang pangalan ng pangahas na babaeng nanghila sa kanya sa sitwasyon na iyon. Sandali lang iyon, matapos niyon ay lumabas na sila at saka lamang niya nagawang mag- react.   "What the fvck lady! What the hell was that?!" pasigaw na sabi niya sa  dalaga dahilan para mapaluha ito. Hindi niya alam kung dahil sa sudden outburst niya iyon o kung dahil sa nakita nito kanina. Pero alinman sa dalawa, hindi niya makayanang makakita ng babaeng umiiyak.  

In a Jiffy [SamVon One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon