Hello every one, Seven is back.. Medyo matagal din na wala siyang POV..-------------******-------------
SEVEN's POVFinaly I'm back! Hello everyone do you miss me? I'm here ngayon sa NAIA airport, at walang nakakaalam na babalik na ako, 'di ko sinabi sa kanila.
Nabalitaan ko na din ang nangyari habang wala ako, una, nagkaroon na ng kambal si Steven at Isiah, kaya excited na ako.
Sumakay na ako ng taxi, at habang nasa taxi ako ay nagpapa-book ako ng ticket pa Paris at hotel na rin, syempre sa Hotel Madeline ako nagpa-book.
Ilang minuto na rin ang nakalipas sa byahe ko, dahil linggo at hindi traffic mabilis lang ako nakarating sa Modroadou Mansion, at dahil may sarili akong key access sa unang gate ay nakapasok ang taxi na sinasakyan ko.
"Manong ito po ang bayad."
Umalis na ang taxi at nagpasalamat, habang nasa labas ako ng pangalawang gate, nag-doorbell na ako, at nang makita ako ng guard namin ay pinagbuksan niya agad ako.
"Young Master Seven." Aniya sabay yuko, "welcome back po."
Ngumiti lang ako at nagpasalamat sa kanya, pagpasok ko sa bahay nagulat ako sa subrang lungkot, ibang-iba na nga sa dati naming tahanan na ang saya kahit 'di kami magkakasundo lahat.
"Young Master Seven?" Taka na lumapit si Miss Katana. "Aba kayo nga po Young Master." Aniya sabay Yuko. "T-teka po, ano po ang g-gusto n'yo kainin? Baket 'di ka ho nagpasabi na darating kayo at para makapaghanda kami."
Natawa na lang ako kay Miss Katana, sa katunayan 'di ko talaga pinaalam na darating ako, gusto ko ma surpresa sila, pero ako pala ang na surpresa sa subrang lungkot ng tahanan.
Nagpaalam si Miss Katana para maghanda ng pagkain, tarantang-taranta pa ito at sinabihan ang ibang kasambahay na nandito na ako. Kinuha naman ng isang kasambahay ang mga gamit ko saka pinasok sa kwarto ko.
Naupo muna ako sa sofa kung saan madalas kami magkantahan ni Isiah dati, napakasarap sariwain ang isang alaala na 'di mo alam kung mararanasan mo pa ulit. Napapapikit pa ako sa mga alaalang sinasariwa ko nang dumating ang mga kapatid ko.
"Seven!"
Napatayo ako, saka lumapit kay Sky at niyakap ako, niyakap ko din siya. At si Storm na nakangiti ay nakipag kamay ako sa kanya, pero niyakap niya ako na ikinagulat ko.
"Kumusta ka na? Ano...so naranasan mo na ang naranasan namin?" Natatawa niyang wika.
Natawa muna ako sa sinabi niya at sabay tango lang, nang lingunin ko si Vicky nakangiti ito. Napalingon naman si Storm sa tinitignan ko. Kahit naalala ko pa ang ginawa niya kay Isiah ay nginitian ko pa rin siya. Wala naman na akong magagawa at asawa na siya ng kuya ko.
"Ba't 'di mo sinasabi na pauwi ka na at para nasalubong ka namin at nang makapaghanda kami." Ani Sky dahilan para mabaling ang tingin ko sa kanya.
"Oo nga naman." Segunda naman ni Storm.
Natawa ako at inaya silang maupo, 'di pa man kami nakaupo ay nakita ko ang parating na si Suzie at Mr. Kim. Napayuko sila sak'in at napangiti lang ako.
"Hindi ko na sinabi para 'di na kayo mag-alala." Saad ko naman na may ngiti.
"Mas nag-alala nga kami, taranta tuloy silang lahat." Nakangiting saad naman ni Sky, saka niyakap ako muli.
"Mabuti na lang Miss Katana call us, to inform us that you're here."
Napatango lang ako sa sinabi ni Vicky. Bago pa man ako nakapagsalita ay tinawag na kami ni Miss. Katana para kumain. Kaya naman nagkayayaan na kaming pumunta sa kusina, pagkatayo namin inakbayan ako ni Storm na ikinagulat ko, 'di niya kasi ugali 'to kaya nagtataka ako.
Pagdating namin sa kusina ay kanya-kanya na kami ng upo, inaya na rin namin ang mga kasambahay na sumalo na rin para sabay na kaming kumain.
Habang kumakain ay panay ang tawanan namin at kwentohan tungkol sa karanasan ko sa pag mi-military ko, kung ano ang hirap at lungkot at kung paano ko kinaya.😃
"Anyway... Tomorrow is my flight going to Paris. I wanted to surprise Isiah and to see the twins and Steven also." Ani ko na ikinagulat at tango ni Sky.
"Really? Well, in that case, why don't we go together? So that we can have a reunion. At nang ma-celebrate na rin natin ang pagbabalik mo." Ani Sky na sinang-ayunan ko naman.
"Well, that's a good idea," lingon kay Storm. "What do you think, Storm?"
Napalingon si Storm kay Vicky na nakasimangot.
"Vicky also will go with us, para masaya. Bago kasi ako bumalik sa showbiz mag-relax muna ako." Saad ko namang seryosong nakatingin kay Vicky.
"Well, kung ganun pumunta tayo... Why not? Para makapag-relax din tayo at ma-meet na natin ang mga anak ni Steven."
Tumango tango lang ako, at tinignan ulit si Vicky na nakasimangot pa din sa plano naming pagpunta sa Paris.
"What do you think Vicky?"
Napatingin si Vicky sa'kin na parang 'di malaman ang gagawin,
"Pag-uusapan namin 'yan ni Vicky mamaya." Ani Storm.
"Well Vicky, minsan lang magkita ang mga kapatid ko, pumayag ka na at magpapakuha na ako ng ticket kay Suuzie." Ani Sky na napatingin pa kay Suzie.
Tinignan ko ulit si Vicky, kalaunan pumayag din siya sa gusto ni Sky kaya nagpakuha na rin ng ticket si Sky.
------------
***************"Ah Vicky."
Napalingon si Vicky sa'kin habang padaan siya sa veranda papunta sa kwarto nilang mag-asawa. Nakauwi na rin kasi sila Suzie at si Sky sa condo daw niya kukuha ng mga damit.
"Can we talk?" Ani ko kay Vicky.
"Sure..."
Lumapit siya sa akin, at naupo sa harapan ko.
"Si Storm nasa'n?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa room inaayos ang pwede namin dalhin." Aniya.
Napangiti ako, alam ko na mayro'n silang 'di pagkakaintindihan ni Isiah, at hindi sila kampante sa isa't isa.
"I hope that it is okay to you, to go with us."
"Of course," ngiti niya. "Family matter naman ito, at para magkita din kayong magkakapatid."
Napangiti ako sa sinabi niya, saka siya nagpaalam na pupunta na sa kwarto para tulungan si Storm. Tumango lang ako pero bago siya tumayo ay may sinabi ako sa kanya.
"And I wish, you and Isiah will be okay... Again, like before."
Napahinto siya at napabuntong hininga bago lumingon sa'kin at ngumiti, ngiti na alam ko namang fake at pilit pa.
"Sure, I hope so."
Sabay paalam na aalis na siya, sana nga maging okay na sila, alang-alang naman sa pamilyang 'to. Bago pa man ako maging emosyonal naisipan kong tawagan si Miyu para ibalita sa kanya ang plano naming pagpunta sa Paris.
Pagkasagot niya ay sigaw agad ang narinig ko, at ibinalita ko sa kanya ang plano naming mag Paris, at sumang ayon naman siya at kukuha din siya agad nng ticket at magpa book ulit ng room sa Madeline Hotel.
Well, I hope this plan will going to be happy at wala sanang trouble, lalo na magkikita ulit ang mga dating magkakaibigan.
-------_--------_-------_--------_------_----
Well welcome back seven, seguro excited na ang mga fans mo.Hello sa lahat malapit na pong magpapapaalam ang story na to, ito po yung story na una kong matatapos.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...