The Night You Said Goodbye

19 0 0
                                    

May 17, 2018.

May something sa mga mata mo na ayaw magpaalis sa akin. Tila ba may pumipigil na ligaya sa akin.
Sa sobrang saya ng ngiti at labi mo ay parang....

Parang ayokong umalis at iwan ka.
Kinantahan mo pako ng theme song natin na "Walang iba" by Ezra Band, noong umagang 'yon.  At parang bang unti-unti kong nararamdaman na naman yung pagmamahal at kilig mula sa'yo.

Nakaugalian mong ayain akong kumain at subuan ng pandesal. Ang tamis ng palaman.
Pero mas matamis pa yung ngiti mo sa kesa sa kape na hinihigop ko.

Sobrang perfect.
It's like a happily ever after.

Hindi moko pinapasok sa trabaho at ganun karin, dahil ang sabi mo, gusto mo pakong makasama. Nakakapagtaka nga dahil lagi mo naman akong kasama.

Tuwang tuwa ka pang nakikipagharutan sa aso nating si, Rush.
Para na nga kayong mag-ama kung titignan. Nakakatuwa. Nakakagaan ng puso at animo para bang isa akong Ina na tinitignan kung gaano kasaya yung kaniyang mag-ama.



Nung bandang hapon, halos basain moko ng tubig. Halos buhusan mo din kami ni Rush ng tubig kaya lalong pumaibabaw yung kaligayahan mo, para kang bata na nakikipag harutan samin. Ang cute ng mga hagikgik mo. Ang cute ng mga tawa mo.

Nakakatuwa.

Nag-aya kapang maglakad tayo nun sa  tabing dagat. Tinitignan nating tatlo kung gaano kaganda yung paglubog ng araw. Sobrang ganda.
Sinabihan mo pako ng isang salita na kapag naririnig ko.
Eh para bang isa 'yong kanta na nakapag papakalma sa puso ko.
Bago pa lumubog ang araw. Nagsalita ka.

"Cecilia.... Mahal kita. Mahal na mahal kita."

Hindi ko alam pero parang naluluha akong pinapakinggan yun at tinitignan kang masaya sa paglubong ng araw.

"Mahal na mahal din kita." sagot ko.

Sabay hawak sayong kamay na parang bang ayaw na kitang bitawan.
Pati si Rush na malikot ay nanahimik nalang habang dinadama ang mga palad mo sa kaniyang ulo.

Kinagabihan. Naglambing ka.

Sinayaw mo pako.
Para akong bumalik sa pagkabata nung sinasayaw mo'ko. Para akong prinsesang natutuwang pinagmamasdan ka sa pag giliw mo.
Sa pagtugtog ng kanta, tuloy - tuloy na umuusbong yung pagmamahal ko.

Sabi nga sa kanta ng Ang huling El Bimbo.

Magkahawak ang ating kamay ♫
At walang kamalay malay ♫
Na tinuruan mo ang puso ko ♫
Na umibig ng tunay.  ♫  .......

Ako ang pag-ibig mong tunay, 'yan ang sabi mo matapos mokong sayawin.
Bago tayo matulog ay pinapanood pa natin yung mga video nating dalawa. Mga tawanan, kulitan, yakapan habang magkasama. 
Nakakakilig ng puso sa tuwing nagtatawanan tayo.

Pero napatigil ka, nang makita mo yung unang litrato nating magkasama.
Naging seryoso ang mata mo, pero naroon parin ang ngiti sayong mukha.

"Ang ganda mo talaga kahit pa nung una. Ang cute. I love you..."

Tanging I love you too at yakap nalang ang naibalik ko.
Pero bago tayo matulog.
May sinabi ka na kahit kailan ay hinding hindi ko malilimutan.

"Goodbye."

"Oh ba't ka nagpapaalam eh matutulog na tayo. Baka goodnight."

"Wala lang. Haha. Sige na matulog kana ng mahimbing. Babantayan kita, I Love you forever."

Napangiti ako nun. Ngiting ngiti dahil din siguro sa pagkakahawa sayo.

Pero... kinaumagahan.



Diko akalaing lilisan kana pala talaga.





Halos madurog yung puso ko nung araw na makita kang wala nang buhay sa aking tabi. Aalis kana pala ng panghabang buhay.

'Di ko matanggap-tanggap!

'Diko matangap kung bakit moko iniwan, Ken!

Yun na pala ang huling tulog mo kasama ako. Yun na pala ang mga huling tawa, ngiti at kasiyahan mo.

Bwisit na buhay to!

Yung pagkabangungot mo sa pagkatulog ang siyang ng bigay ng bangungot sakin ngayon habang nabubuhay ako.

Ang sakit-sakit, Ken! Nakakainis!

Diko matanggap Ken eh. Lalo pa't sobrang saya mo. Naiwan ako eh.

Ngayon mag isa nalang akong kumakain ng sarili kong tinapay sa umaga.
Halos puro luha narin ang natitikman ko sa kapeng naititimpla ko.
Sa tuwing naliligo ako. Naririnig parin ng utak ko yung mga pagtawa mo habang binabasa mo ako. Nasasaktan akong wala ka.

Ang sakit.

Ang sakit-sakit na habang sinusulat koto umiiyak ako.

Araw-araw akong ganun, Ken.

Araw-araw umiiyak  sa pagkawala mo.
Hapon-hapon narin kaming nakaupo ni Rush sa dalampasigan.
Iniisip na sana kasama kapa namin.

Pinapanood ang mga kulitan at tawanan natin sa camera. Pinapakinggan ang kantang 'Walang Iba' ng paulit-ulit.


Hindi nakakasawang alalahanin ang lahat eh.
Alam mo bang naabutan ko si Rush na kinukuha niya ang isa sa mga paborito mong damit para lang yakapin niya sa patulog. Inaamoy amoy niya yung damit mo!
Dinadama niya parin yung mga pagyakap mo. Hinahanap niya yung nag mistulang tatay at bestfriend niya, Mahal ko.

Miss na miss kana niya, Ken.
Miss na miss kana namin.

Hinding hindi kita malilimutan, mahal ko. Lalo na ang katagang, mahal na mahal mo ako.

Darating na ang anniversary ng kamatayan mo.
Wala na naman akong gagawin kundi ang mag uumiyak at pagmasdan ang araw sa paglubog.
Ganto nalang kami, Ken. Ganto nalang kaming mag hihintay.

Tinuruan mo kami ni Rush kung ano ang tunay na ang pag ibig.
Kaya kahit pumuti man ang buhok ko.
I'm gonna grow old with you.
You're always in my heart, Ken.
Forever and ever.

Dito lang ako lagi sa dalampasigan. Titignan namin ni Rush ang paglubog ng araw kasabay ng mga pamamaalam mo.
Patutugtugin ang Ang huling El Bimbo' kasabay ng mga ala-ala mo.

Mahal na mahal din kita, Ken.

Salamat sa pagpapatunay ng totoong pag-ibig mo.
The Night You Said Goodbye.
Is the Day You Made Me Cry.

I'm always here waiting for the sunrise.
I Love You.


- Your Cecilia.

_________________________________




The Night You Said GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon