EyePatch

35 0 0
                                    

(August 24, 20XX. Wednesday)

 “GeraaAaAAAaaaaAAAaaaAaaarDDdd!!”

Bagh!!

      Nagising nanaman si Gerard dahil sa maingay na panaginip. Pinipilit sana niyang alalahanin kung sino at ano ang nasa panaginip niya, pero pag gumigising siya nakakalimutan na niya ang lahat.

Siya si Gerard, labing-pitong taong gulang, hindi mo masasabing maliit siya dahil nakakapasok siya sa mga amusement park dahil naabot niya ang height limit ng hindi tumitingkayad, para sa kanya sapat na ito at hindi naman siya inaasar ng maliit dahil hindi naman siya lumalabas ng bahay. Nag-aaral siya sa kolehiyo sa kursong psychology. Matalino si Gerard, sa katunayan, simula elementary hanggang high school ay hindi siya nawawala sa posisyong ‘TOP ONE’. Mabait, masipag at mapagmahal na bata si Gerard. Matatawag na sana siyang perpekto ngunit mayroon lang siyang dalawang problema. Una, masyado siyang mahiyain kaya wala siyang nagiging kaibigan bukod sa kanyang nanay Mercy at tatay Louie, nag-iisa kasi siyang anak. Pangalawa, dahil wala nga siyang mga kaibigan, nagsimula siyang managinip ng mga kakaibang bagay, bunga na rin siguro ng pag-aasam na magkaroon man lang ng kahit isang kaibigan.

Boring ang buhay ni Gerard. Napapako siya sa iisang pattern ng pamumuhay. Gising, kain, linis, tulog. Dito niya naisipang gumawa ng isang makinang magdadala sa kanya sa isang mundong matagal niyang inasam, isang mundong punong puno ng kaligayahan. Pero dahil sa isa pa lang siyang bata, kulang pa ang kanyang kaalaman ukol sa pag-iimbento at alam niyang imposible ang kanyang pangarap.

“Hoy! Herardo ano nanaman yan? Ang aga aga ang ingay ingay mo!” Sigaw ng nanay niya na naghahanda ng almusal. Agad bumaba si Gerard para mag-almusal. Maghahanda na siyang pumasok. Napa-buntong hininga siya dahil isa nanaman itong boring na araw.

      “Okay class dismissed!” bulong ng malamyang teacher nila sa English. Natuwa si Gerard dahil favourite subject na niya, ang break. Habang naglalakad papunta sa likod ng kanilang building kung saan siya lagi tumatambay, nakasalubong niya ang kanyang classmate na si Bea. “Uuuy!! Nandito ka pala Gerard! Kanina pa kita hinahanap. May sasabihin sana ako sayo eh. Ehehehe” sigaw ni Bea habang ngumingisi. Hindi agad nakapagsalita si Gerard dahil para sa kanya, si Bea ang pinakamahalagang tao sa kanilang campus, sa sobrang halaga nito ay hindi niya ito magawang kausapin. Nag-isip muna siya “bakit kaya? Ano kaya ang sasabihin niya sa akin? HINDI KAYA??” napapangiti siya na ikinagulat naman ni Bea. “Gerard? Ayus ka lang?”

      Gabi na natapos ang klase ni Gerard, badtrip siya dahil dadaanan nanaman niya ang madilim na landas patungo sa kanilang bahay, landas na puno ng mga bagay na galing sa tiyan ng mga asong kalye. Habang naglalakad, mayroon siyang nasipang matigas na bagay “arekuup!!” mangiyak-ngiyak siya sa sakit. Agad niyang pinulot ang bagay na   kaniyang nasipa. Nagulat siya dahil  eyepatch lang pala ito. Kinuha niya ito at dinala sa bahay.

      Matapos maghapunan, dumiretso si Gerard sa kanyang kwarto para tignan ang eyepatch na napulot. “Grabe naman ‘tong eyepatch na ‘to! Ano ba to gawa sa bakal?” inihagis na lang niya ito kung saan at agad natulog.

(August 25, 20XX. Thursday)

“Tulungan mo kami Lord Gerard! Iligtas mo kami!” sigaw ng babae mula sa malayo, mas malinaw na ngayon ang kanyang nakikita. Isang babaeng mayroong mahaba at itim na itim na buhok. Kung titignan sa kasuotan, makikitang isa itong reyna o kahit anong maharlika. Pero gaya ng dati, hindi parin niya maaninag ang mukha nito. Agad itong nilapitan ni Gerard para sana kausapin pero itinulak siya nito at naging sanhi ng kanyang pagkahulog sa malalim na bangin. Habang bumubulusok pababa si Gerard, kitang kita niya kung paano kunin ng mga lalaki ang babaeng humihingi ng kanyang tulong. “waaaag!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EyePatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon