Chapter 57

4.1K 89 9
                                    

Lumipas ang mga araw at buwan. Ngayon ay isang taon na. Natapoas na rin si deanna sa pagmamasteral niya at naging matibay naman ang relasyon nila ni jema,. Nakapasa rinsa board exam si deanna, kaya lubos na nasisiyahan sina jema, at ced, pero si bea kahit marami ng nagdaang araw ay di pa rin ito kayang ngumiti. Ngayon ay nasa living room lang silang apat at nag. Uusap.

Jema: isang taon na ahh, di pa rin bumabalik si mitch, ikaw ba bea, tumatawag ba si mitch sayo?
Bea: magdadalawang buwan na at ko pa rin siya na contact at di ko rin siya matawagan. Nag. Aalala na ako sa kanya.
Deanna : kahit ba sa messenger niya di mo macontact?
Bea: hindi rin eh. Tinry ko rin tawagan si papa palaging busy ang phone niya eh.
Deanna: ako nalang try ko na lang tawagan si papa.

Kinuha ni deanna ang phone niya at dinial ang number ng papa niya, nagriring naman ito.

Dialling
Dad...

Dad: hello anak.?
Deanna: dad,
Dad: anak bakit?
Deanna: dad makikisuyo lang po,kumusta na po si mitch jan dad.
Dad: anak di niyo ba nalaman jan?
Deanna: ang alin po dad?
(kinakabahan si deanna kung anong maririnig niyang sagot sa dad niya)
Dad: ana si mitch,
Deanna: ano pong nangyari sa kanya dad?
Dad: anak si mitch mag. Iisang buwan ng naka comatose.
Deanna : ano dad? Bakit po? (dahil sa narinig niya ay unti unti nang bumabagsak ang luha ni deanna, dahil di niya akalain na yun ang mangyayari ni mitch, tanggap na niya sa sarili niya kung ano ang ginawa ni mitch sa kanila kaya pinapatawad na niya ito, dahil lagi siyang pinapaintindi nina bea, jema, at ced kung anong ang ginagawa ni mitch sa kanila.)
Dad: anak mabuti pang umuwi nalang kayo dito para dito natin pag. Usapan yan, as of now anak nandito pa rin kami sa hospital, tumutulong kami sa tito mo para kay mitch.
Deanna : sige po dad uuwi po kami diyan.

End of call.

Dahandahang umupo si deanna at umiiyak ito.

Deanna : guys kailangan na nating umuwi.
Bea: huh? Bakit? Anong nangyari kay mitch dean? (kinakabahang sabi ni bea)
Deanna : si mitch nacomatose siya, (duon na bumuhos ang mga luha nilang apat ng marinig nila ang nangyari kay mitch)
Bea: di yan totoo dean, nagsisinungaling ka lang. (kinwelyuhan naman ni bea si deanna)
Jema : hey bea, humunahon ka nga, mabuti pa umuwi na lang tayo. Magpapabook tayo ng flight ngayon din.

Binitawan naman ni bea si deanna.
Bea: sorry, (sabay nitong lakad papunta sa room niya)
Jema: sige na maghahanda na tayo. Ako nalang din tatawag kay estela para siya na makakapagbook sa atin ng flight .

Nagtungo na sina deanna at ced sa kani kanilang room si jema naman ay tinawagan si estela, pagkatapos ay naghanda na rin ito.
Pagkatapos nilang maghanda ay pumunta na muna sila sa opisina ni estela at kinuha ang mga tickets nila, at saka na pumunta sa Airport, labas naman ang kaba ni deanna kung ano na nanguari kay mitch.

After 22 hours ng flight nila ay nakarating na sila sa naia. Kinakabahan pa din si deanna kung ano nga ba ang totoong nangyari kay mitch. Si jema naman ay tinawagan ang dad niya.

Dialling
Dad...

Jema: dad? Nandito po kami ngayon sa Airport. Pakisundo mo naman po kami dad.
Dad: ok sige hijahintayin niyo nalang ako jan.
Jema: ok dad, thank you.

End of call.

Matapos tawagan ni jema ang daddy niya ay naghintay nalang ito sa pagdating. Ilang minuto lang ay dumating na ang dad ni jema.

Mr. G. : anak namiss kita. (sabay halik at yakap nito kay jema.)
Jema: dad pwede bang dumeritso na tayong hospital kung saan nakaconfined si mitch.
Mr. G: sige anak, alam kong kayo lang hinintay nun, ilang araw din namin siyang kinakausap, tanging mga luha lang niya ang sagot sa mga sinasabi namin sa kanya.
Bea: ano po bang nangyayari sa kanya tito?
Mr. G: hindi sana magkakaganun si mitch kung hindi lang sa katigasan ng ama niya. Napahamak si mitch dahil pinapatuloy pa rin pala ang pakikipagsabwatan ni mr. Tan kay mr. Cy at mr. Emnas, nalaman din na isa sina mr. Cy at mr. Emnas ang nagnanakaw sa mga malalaking kompanya dito sa pinas.
Bea: eh pano po sila makakanakaw eh diba po yung secured yung mga kompanya nila?
Mr. G: knowing emnas at cy, sila lang naman ang mga matatalino sa pag nanakaw, kaya nakipag sabwatan si mr. Tan sa kanila, di alam ni mr. Tan na harap harapan na pala siyang ninanakawan ng dalawa, nang umuwi dito si mitch ay inayos niya lahat hanggang sa natuklasan niya na binibigyan pala ni mr. Tan ng access sina mr. Emnas at mr. Cy.. Kaya dahil dun nagagawa na nina mr. Cy at mr. Emnas ang pagnanakaw nila sa kompanya ni mr. Tan, kaya namuot ang galit ni mitch sa ama niya. Nang kinalaban ni mitch ang tatay niya ay dun na humarap si mr. Cy at mr. Emnas skay mitch. Ginawa ni mitch ang lahat para humiwalay ang papa niya kina mr. Cy at emnas, pero dahil sa likas na masama ang dalawa babarilin sana nila ang ama ni mitch kaya lang tumakbo si mitch sa papa niya at niyakap niya ito, natamaan ng baril si mitch sa likod nito. Kaya ngayon nacomatose si mitch.
Jema: pano niyo po nalanam na si mitch yun pa, diba ang pagkakaalam niyo si mae yun?
Mr. G: una nagtaka kami ng mga dad niyo kasi alam namin si mae di yun mangingialam sa business na yan at wala rin yung alam. Nang makita namin kung gaano ka porsigido at paano napapalakad ni mitch ang company, dun na kami nagduda at nang di na kami nakatiis ay kinausap namin siya sinabi niya ang totoo at tinulungan namin siya sa mga ginagawa niya.
Deanna: nasaan na po ngayo yung dalawang kriminal tito?
Mr. G: nasa kulongan na at nandun din si mr. Tan, dahil sa pakikipagsabwatan niya sa dalawa ay nakulong din siya.

Pagkatapos nilang mag usap ay, nakarating na rin sila sa hospital, nasa icu si mitch. Kaya nagtungo sila doon. Nakita nila ang mga apparatus na nakalagay sa katawan ni mitch. At naluluha silang nakikita si mitch na naghihirap ito.

Mr. Wong: pwede kayong pumasok, at kausapin siya.
Deanna: dad! (yumakap ito sa papa niya at humagolgol ng iyak.)
Mr. Wong: ikaw kailangan niya ngayon anak, pumasok ka at kausapin mo siya.

Tumango naman si deanna at nagbihis pra makapasok sa icu. Nang makapasok siya dun ay di niya mapigilan ang sarili niya at agad na yumakap kay mitch.
Deanna : best sorry sa nagawa ko best. (umiiyak na sabi nito.) best gumising ka na jan best, namimiss na kita eh, best, huwag mo naman akong iwan mo, kailangan kita best, (nagsusumamong sabi ni deanna at humagolgol ng iyak) best promise di na kota aawayin best, gumising ka na.

Habang nakayuko at umoiyak si deanna ay tumulo naman ang luha ni mitch at pinagalaw nito ang kamay niya, nangmakita ito ni deanna at ngumiti siya at saka tumawag ng doctor.
Deanna: doc, doc, si mitch po gumalaw,

Agad namang pumasok ang doctor at mga nurse na mag. Aasist nito. Chineck ng doctor si mitch. Pagkatapos icheck ito ay lumapit ito kay deanna.
Doctor : hihintayin nalang natin siyang magising, at ichecheck namin ulit kung ok na ba siya.
Deanna: ok po doc.
Doctor : aalis na kami.

Pag.alis ng mga doctor ay lumapit ulit si deanna.

Deanna : best gumising ka na jan. Alam ko naman ako lang hinihintay mo eh, ay soya nga pala best may kukunin muna ako.

Lumabas sandali si deanna at may kinuha sa bag niya. Tapos ay bumalik ito sa room.

Deanna : best heto oh, natupad na yung pangarap natin. (at pinakota ang papel na daladala niya.) kaya gumising ka na best kasi magcecelebrate pa tayo eh, tapos sabay pa tayo magpapakasal, di ba sabi mo yun best.

Di pa rin mapigilan ni deanna na di maiyak, hanggang sa pumasok na si jema at lumapit kay deanna.

Jema: B, tama na muna yan, papahingahin mo muna si mitch, at hintayin nalang natin siya magising.

Tumango naman si deanna at lumabas na ng icu.

Mr. Wong: anak mas mabuti pang umuwi muna kayo at magpahinga, tatawagan nalang namin kayo pag nagising na si mitch.

Deanna : pero dad, gusto ko po kasi na ako yung unang makikita niya eh,
Mr. Wong: sige na anak, basta ikaw ang unang makikita niya kaya sige na at magpahinga na muna kayo.

Di na nakipagtalo si deanna at umalis na  sila para umuwi.

✌️✌️✌️✌️✌️✌️✌️✌️✌️✌️✌️✌️✌️✌️✌️✌️
Next

Rest of my life (jedean gawong )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon