Chapter three

1.7K 48 12
                                    

-Athena

Nagising ako sa isang silid na unti-unting nasusunog.agad akong tumayo sa aking kinahihigaan..at agad kong hinanap ang pinanggagalingan ng sunog hanggang sa nakarinig ako ng malakas na pagsabog..napatigil ako sa aking kinatatayuan ng makita ko ang isang magandang babae na nakahandusay at naliligo na sa kanyang sariling dugo..napaatras ako at nagsisisigaw ngunit tila ba walang boses na lumalabas sa aking mga bibig...

AAAHHH...AAAhHH...Napamulagat ako at nagsisisigaw..

"Athena...Athena..anak gumising ka..naririnig ko ang boses ng isang babae habang pilit nya kong ginigising sa aking pagkakatulog...

Napakapit ako at napayakap sa babaeng nasa harapan ko.umiiyak ako at nakatatak pa sa aking isipan ang babaeng duguan na nakatitig sa akin..

"Nananaginip ka athena..nananaginip.ka lang..sabi ng babae habang hinihimas nya ang likod ko..tahan na anak...tahan na..dagdag pa nya..

Patuloy ako sa pag-iyak ko..di ko alam kung ilang minuto o ilang oras pa akong umiiyak..

"Athena..anak,tahan na..panaginip lang ang lahat.marahan at nag-aalala nyang sabi sa akin.habang nakayakap pa din ako ng mahigpit sa kanya.

Maya maya ay tumahan na ko at nanahimik..napagtanto ko na panaginip lang ang lahat at tila ba nahimas himasan ako pagkatapos kong umiyak..

"gusto mo bang pag-usapan ang napanaginipan mo anak?marahan at nag-aalangang tanong ng babaeng nasa harapan ko..

"uhmm.panimula ko..natigilan ako dahil di ko alam kung ano ang itatawag ko sa babaeng nasa harapan ko..

"Ok lang kung ayaw mo pag-usapan..mahinahong sabi ng babaeng nasa harapan ko..

Napatango lang ako at napatingin sa kawalan..iniisip ko pa din ang babae na nasa panaginip ko.pamilyar sya sa akin.ngunit di ko matukoy kung sino sya.sa paghahanap ko ng kasagutan sa babaeng nasa panaginip ko..di ko namalayan ang pagbukas ng pintuan at pagpasok ng lalaking nakaputi..namalayan ko na lamang na naandun na sya ng bigla syang nagsalita..

"iha..athena..maaari ba kitang makausap...marahan at mahinahong panimula ng lalaking nakaputi..

Tumango lang ako sa kanya..at agad nyang pinagpatuloy ang pagtatanong nya..agad nyang sinimulan ang pagtatanong na di ko naman nabigyan ng kasagutan.hanggang sa may ipinakita sya sa akin na dalawang litrato..

"iha..kilala mo ba sya?tanong nya ulit sa akin habang hawak hawak nya ang litrato ng pangit na babae..pinagmasdan ko ito ng matagal at dun ko napagtanto na ako ang nasa larawang iyon.kasabay nito ay bumalik din ang mga alaala ng nakaraan ko.napagtanto ko din na hindi itong babae na nasa harapan ko ay hindi ko nanay o kaano-ano..napatingin ako sa babaeng inaakalang anak nya ko at bakas sa mukha nya ang pag-aalala at pag-asa na ako nga ang anak nya..

"hindi ko po sya kilala.mabilis kong sagot sa nakaputing lalaki...

"Ang babaeng ito ay si Athena Imperial..panimula ng lalaking nakaputi..kasama mo sya sa sunog na nangyari ngunit sa kasamaang palad ay namatay sya..malungkot na sabi ng lalaking nakaputi..

"Kaya pala medyo pamilyar sya.pagsisinungaling ko.

Maya maya ay ipinakita nya ang isang litrato ng napakagandang babae..ito ba pamilyar ba sya sayo?mahinahong tanong nya ulit..

Napatitig ako ng matagal sa babaeng nasa litrato..nakangiti sya at bakas sa mukha nya ang tunay na kaligayahang nadarama nya.napahawak ako sa litratong iyon at sabay sabing..

"Ako ito..naaalala ko na..pagsisinungaling ko..

pagkatapos kong sagutin ang huling katanungan ng lalaking nakaputi ay napatingin ako sa kawalan..nakaramdam ako ng konsensya pero pilit ko syang inaalis sa sistema ko..patay na ang tunay na Athena Evangelista..kaya siguro di na ko dapat makonsensya pa..baka may dahilan ang dyos kung bakit nangyari to..dagdag ko pa.habang nagtatalo ang mabuti at masama sa aking isipan..

Nakatitig pa din ako sa kawalan ng bigla akong yakapin ng babaeng nasa tabi ko kanina pa..

"Athena..anak..masaya ako at nakaka alala ka na..mangiyak-ngiyak nyang sabi habang nakayakap sya sa akin..

"Masaya din ako ma..nag-aalangan kong tawag sa kanya..habang nakayakap pa din ako sa kanya..

"wag kang mag-alala anak sa mukha mo ngayon..dahil maibabalik din natin yan sa dati..dagdag pa nya..

Napahawak ako sa aking mukha na nababalot ng bendahe...sa paghawak ko sa mukha kong nababalot ng bendahe.napagtanto ko na at napa dugtong dugtong kung bakit inakala nilang ako si Athena Evangelista..napaisip tuloy ako kung kaya ko bang panindigan ang pagkukunwaring ito..

"Ano ba ang iniisip mo anak..napalingon agad ako kay mama..

"Ano po bang nangyari sa pangit na athena na kasama ko sa nangyaring sunog.diretso kong itinanong sa babaeng ito na magiging mama ko na.

"Namatay sya anak..sunog na sunog ang katawan nya..malungkot na kwento ng mama ko..

"Kawawa naman sya.pabulong kung sagot..

"Paano nyo po ba nalan na ako ung anak nyo?nag-aalangan at kabado kong tanong sa kanya..

"Sa litratong hawak mo anak..saka sa kwintas na nasa kamay mo ng mga oras na un..nalangiti nyang sagot...mabuti nalang at nakaligtas ka anak..dahil di ko alam kung paano ko magsisimula kapag nawala ka..mangiyak-ngiyak nya pang sabi sa akin

Naalala ko na paunti-unti at napagdugtong-dugtong ang mga pangyayari..pero malabo pa din sa akin hanggang ngayon kung paano napunta sa kamay ko ang kwintas ni Athena Evangelista.

"Hindi ako mawawala ma..mabilis kong sagot sa magiging nanay ko..

"Mangako ka na iingatan mo ang sarili mo..dagdag pa nya..

"Pangako ma..pangako...marahan kong sagot sa kanya..

Borrowed Visage(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon