Itutuloy paba o susuko na?
susuko na sa laban na ating sinimulang dalawa
Dalawa tayong bumuo ng parangap
na parang di na matutupad pa
Pangarap na para bang kay hirap ng abutin pa
Maaabot pa nga ba kung ako ay susuko na?
Susuko na nga ba?
Susuko na o itutuloy pa
Itutuloy pa ang parangap na sinimulan nating dalawa
Pangarap na nais na matupad pa
Pero paano nga ba?
Paano nga ba natin maaayos pa ang isang relasyon na sa simula palang ay puro pag hihirap na
Paghihirap nga bang maituturing kung ako naman ay naging masaya rin?
Naging masaya sa bawat sandaling ikaw ay kasama
Kasama sa pag buo ng pangarap nating dalawa ngunit paano nga ba
Susuko na o itutuloy pa?
BINABASA MO ANG
My Sentiments
PoetryMinsan kasama sa buhay ang masaktan nasasayo nalang kung paano mo ito tatanggapin