One Shot

114 5 2
                                    

First year of college, welcome to the new life Antoinette! It was just like yesterday nung umiihi pa ako sa kama kapag natutulog, ngayon kailangan ko na maging super mature. But with that thought in mind, nagreresonate yung sinabi sakin ni ate Aki na wag daw muna ako maglandi. What can I do? Masyadong mapusok ang buhay. Sabi nga nila, expect the unexpected, lame excuse but life is just as unpredictable as it is. Tinalo pa ang wattpad stories o kaya naman yung mga teleserye sa TV. Once landi made katok, mahirap pigilang isarado yung pintuan.

As I was saying, life is like an actual teleserye. I have this blockmate, guy. Akala ko nga hanggang kwento nalang ng hopeless romantic yung mga ganitong description, but he is for real. He’s tall, white, and handsome plus factor pa yung malakas appeal at napaka mabait. Pero of course, sa fairy tale lang naman yung may perfect prince charming. Caleb is not your super ideal guy, he is playboy, cheater, and would really make you feel na you have something pero wala naman pala. In short, paasa. Idagdag mo pa, gago talaga siya.

“Lunch tayo later Antoinette?” –Caleb. He is always like that. I’ve told you, paasa siya.

“I’m busy studying.”

 

“Sige na, date tayo. Libre ko please?” –Caleb. There he goes again, using his charms and all. And me? Sige, you can call me tanga.

“Okay sige na nga.”

I must admit, mahirap hindi mainlove sa isang Caleb Monteclaro. Kahit na maraming beses ko na narinig yung line niyang yun sa iba’t ibang girls sa block namin, gusto ko din matry na maging isa sa mga babaeng mapapansin niya.

My thoughts have flown away, ang nasa isip ko lang eh yung lunch date namin ni Caleb. Kahit atah sa fishballan lang kami kumain, feeling ko ako na ang pinakaswerteng babae sa mundo kasi finally, nakumpleto ko na yung check list ko, ang mapansin nung lalakeng first day palang eh ninakaw na yung puso ko.

Naku! Patay nanaman ako kay ate kapag nalaman niyang naglandi ako. Eh ano ba sabi ko sainyo? Kumatok na yung landi, at nagpasabog ng landi hormones sa buong katawan ko. Tsk.

Lunch came at hindi pumasok si Caleb sa subject namin kanina before break. Ang nakapagtataka, pumasok naman si Gabby at Mike sa class, eh alam niyo bang The Three musketeers ang peg nung tatlong yun? Kung di nga lang sila gwapo plus macho eh mapagkakamalan ko na silang nagbro-bromance.

“Gabby, have you seen Caleb?”

Instead na sagutin yung tanong ko, kumunot lang yung noo sa akin ni Gabby. He’s actually the total opposite of Caleb pagdating sa girls, seryoso si Gabby. Ang alam ko nga may gusto siyang babae pero hindi alam nung babae, pero ever since daw yun yung gusto niya. Chismis lang naman yun.

“Did he asked you out?” –Gabby

Sus, ito namang si Gabby, isang concerned citizen! Haha. Alam kong ayaw niya lang na mapasali ako sa mahabang listahan ng pinaasa ni Caleb, pero too late, umaasa na ako. Dito ko lang atah mapapatunayan na mali yung “There’s no harm in trying.”

I Love You Forever and a DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon