MAHAL KITA, MAY ANGAL!?

74 2 1
                                    

Pag may nagtanong ng  “sinong nagsabi?!”, agad na magtuturuan ang iba’t ibang tao..

Kesyo si ganito raw, ahy si ganun pala. At kung sino sino pa ang idinadamay sa walang kwentang bagay..

Kaya nga naiinis ako sa mga classmate ko eh..

Minsan kase ganito ang sinasabi nila..

“ Denny, ancute mo raw oh! “

“ Denny, anganda raw ng lips mo .? ”

“ Denny, pwede ka raw ba ligawan?”

Mga ganyan ang mga kalokohan nila..

Pag tinatanong ko naman kung sinong nagpapasabi,

Magtuturuan lang sila.

Hays! Sarap nila sapakin eh..

*locker*

Pakshet!  Ano ito!? SULAT? Tss. Bakit andami? Pinuno ang locker ko. Pare-pareho lang naman.

Denny,

ANG GANDA MO. DI KO MAPIGILANG MAWINDANG SA IYONG MGA NGITI. SA PAGSULYAP LAMANG SAYO AT NAKIKITA KITANG NAKANGITI, KUMPLETO NA ANG ARAW KO. IKAW ANG BUHAY KO. KUNG PARA SA IBA "I CAN'T LIVE W/OUT OXYGEN" PARA SA AKIN NAMAN "I CAN'T LIVE W/OUT YOU".PAG MAY KASAMA KANG IBA GUSTO KONG IPAGSIGAWAN YUNG MGA SALITANG "NAGSESELOS AKO" KASO HUMAHARANG YUNG MGA SALITANG "DI NAMAN TAYO". KUNG MAGIGING PARTE AKO NG KATAWAN NG TAO GUSTO KONG MAGING KAMAY PARA MAPUNASAN KO ANG MGA LUHA MO SA TUWING UMIIYAK KA AT NASASAKTAN. SUBUKAN MO KAYANG SILIPIN ANG UTAK KO AT PARA KA LANG TUMINGIN SA PHOTO ALBUM MO.ALAM MO MAS HIGIT PA AKO SA MALANSANG ISDA DAHIL MAS MAHAL KITA KESA SA SARILI KONG WIKA.

AT KUNG INIISIP MONG MAHAL KITA

THINK TWICE

DAHIL MAHAL NA MAHAL KITA

Mr. S

 Mr. S? 

Hay nako wala lang siguro 'tong magawa.

*KRING!!!*

Ahy ! late na ako! WAAAAAH!

Phew. Buti late si sir pumasok. Kaso nga lang pagpasok na pagpasok niya. Binwisit niya ako. 

Pano ba naman. May nagpapasabi raw na isa raw akong dahon. Tss.. andyan na naman yang nagpapasabi. Hindi pa ba sila nagsasawa? Hay nako...

AFTER 8 hours..

YEHEY uwian na! Yahoo!! Imma watch Vampire Diaries na! Wohohoho. Kaso  nung nasa may gate na ako, sinabihan ako ni kuya guard ng “ kase kahit san man daw siya pumunta, ikaw ang lagi niyang nakikita ”.

Hay nako. Mga pakana nga naman nila. Nakakainis na ha! Makauwi na nga lang at itutulog ko nalang to.

Yung nangyare sa locker? Araw araw na may ganun. Pati na rin ung mga pickup lines na pinapasabi sa mga di ko kilala.

Hanggang isang  araw, nagulat ako dahil sa ayos ng room namin. Nasa isang gilid ang lahat ng mga upuan at maraming mga nakasabit na mga hugis ng puso. Lahat ng mga kaklase ko ay parang di mapakali at tila parang may itinatago. Pagtapak ko pa lamang sa aming room ay sinalubong na agad ako ni Celine, sabay bigay ng rosas na may kasamang sulat. 

"You’re like a river, always flowing in my heart." ang nakalagay sa sulat.

 "Hindi mo na siya kailangang hanapin pa, kusa siyang darating para sa iyo.", sabi ni Celine. Si Celine nga pala ay isa sa mga katropa ko. Ha? Sino bang tinutukoy niya?

"Ikaw ata si Pau. Kase ikaw ang meaning ng Pauever sa akin eh."

Yun naman ang laman ng sulat na bigay ni Ann at saka niya ako binigyan ng rosas. "Ikaw na talaga girl. Ang haba ng hair ah." Ann

"Teka ano bang nangyayari?" ako

"Patience, dear." Ann

Sumunod naman na nagbigay ng rosas at sulat ay si Mandy.

"You’re arrested. Because You just got my heart without me noticing it."

"Buksan mo ang mga mata mo Den. Andyan lang sya lagi sa tabi mo." Mandy

Teka, nagbibigay ata sila ng clues.

"Apelyido ka ba?Kasi kung wala ka sino ako."

"SCHOOL KA BA? kasi you're the reason why I always wake up early in the morning."

"Frog ka ba? Frogi ka kasi sa isipan ko."

Marami pang mga sumunod at nagbigay ng sulat. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.

Pagtingin ko sa mga kaklase ko, aba! lahat nakangiti. Pero bakit parang may kulang?

"Kailangan pa bang bumanat para pakiligin ka or papakasalan na lang kita para matapos na?"

Waah! Baliw na ang gumagawa nito. Kung ano anu na mga pinaglalagay..

“sinong may pakana nito?” ahy naman! Nakangiti lang sila oh. Tss. Inaasar na nila ako. “Sinong  may pakana nito!?”- bakit ayaw pa rin nila? Hindi pa sila nagtuturo ng kahit sino. Nakakainis na talaga. Dapat kinikilig ako rito eh. Hays. Makawalkout na nga.

“Oooopppssss. ! Bawal umalis Den. Hohohoho!”- sabay harang sa pinto

“Pwede padaan? Ha?”

“Hindi nga pwede!”

“Bakit ba kase! Papalabasin mo ako, o uupakan kita? Ha!?”

“Hindi pa rin pwede. Sayang yung surprise sayo “- Grrrr.. ginagalit talaga ako nito. Dapuk!

“Bakit ikaw ba yung gumastos!? Ha? Ano? Wala kang masabi!? PUTANGINA, TARANTADO! Tabi na nga!”

“ oo ako nga."

Napatigil ako sa sinabi nyang yun. Tama ba ang pagkakarinig ko?

"A-anong sabi mo?", tanong ko sa kanya para makasiguro kung tama nga ba ang narinig ko.

"Ako ang may pakana ng lahat ng 'to, Den. Ako si Mr. S na araw-araw gusto kang protektahan. Sa paggising ko, gusto ko ikaw lagi ang unang makikita o maririnig. Sa lahat lahat, gusto kong maging akin ka. Den, oo ako nga yung araw-araw kung magpakilig sa iyo. Kilig ba tawag doon o asar.? Gusto lang naman kitang maging masaya. Den, ako nga iyon. Ngayon at alam mo na , MAY ANGAL KA!? “-bago pa man ako magsalita, niyakap ko na siya. Siya? Siya lang naman si Lorenzo. Snob at palaging nang-aasar. Patago ko ngang pinagnanasahan eh. Pero dahil sa kanya... nahanap ko ang depinisyon ng PAG-IBIG.

“Ikaw ba talaga yan Enz? Sure ka? Wala kang sapi? “ sabay alis ng pagkakayakap

“Oo nga! Den, MAHAL KITA.  MAY  ANGAL!?”- sabay palakpak at hiyawan ng aming mga kamag-aral.

_________________________________________

MAHAL KITA, MAY ANGAL!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon