Mai isang guro na nag wawasto ng mga papel pagkatapos ng eaxm..
Nagulat nalang sya nang may nawastuhan sya na isang papel na nag ngangalang Rosalie.
Si Rosalie daw ang nag aaral sa aming paaralan noong unang panahon. yung paaaralan namin ay mahigit 50 years na.
Ayun sa kwento-kwento, si Rosalie daw ay na rape ng mga estudyanteng night school dahil si Rosalie ay isang napaka gandang babae na halos perpekto ang katawan.
Kaya habang nag wawasto ang guro, nkita nia ang papel na nka pangalan kay Rosalie at ang naka sulat ay "IN THE DARK, YOU WILL SEE A LIGHT. AND IN THE LIGHT, YOU WILL SEE ME".
Hindi nalang pinansin ng guro ang papel dahil akala nya, na tripan lng sya ng mga tarantadong estudyante.
kinagabihan, nag brownout sa paaralan. kaya ipina-uwi nalang ang mga night school.
Pero nang pumunta sya sa 1st year department, nakita nya na ang room 105 lng ang may ilaw. Nang hihinayang syang umakyat sa kwartong iyon at nakakita syang babae na nakatalikod.
Babaeng naka puti, mahaba ang buhok, naka talikod, habang hinahawakan nito ang buhok. at kumakanta pa ng lumang kanta.
kinabahan agad ang guro at bumaba kahit ilang hakbang na ang kanyang natalon sa sobrang kaba.
Nasa ilalim na sya ng building ng maalala nya ang nawastuhang papel.. IN THE DARK, sa lugar kung saan madilim dahil brownout.
YOU WILL SEE A LIGHT, sa lugar na walang kailaw-ilaw ang tanging ang room 105 lang ang mai ilaw.
AND IN THE LIGHT, YOU WILL SEE ME, kung saan nakita ng guro ang babae.
Bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. At nang tumingala sya sa ika-lawang palapag ng gusali, nakita niya ang babae na nakatingin din sa kanya na naka sinister smile pa.
Hanggang ngayon, nag tuturo parin ang guro sa aming paaralan at ikinikwento nia sa kanyang mga estudyante ang kanyang narasan.
NOTE: baka nag tataka kayo kung bakit sa room 105 lang ang may ilaw? dahil sa kwartong yan ang may namatay ring estudyante na nag commit suicide dahil daw may sakit ito sa sarili. kaya sa buong kwarto ng 1st year level, ang 105 lang ang parating may nagpaparamdam.