Come along with me....
Di ko na pinatapos ang sunod na lyrics ng kanta.Agad kong kinuha ang cellphone kong nalipasan na ata ng panahon.
"Hellow"
"Apo!Gusto ko sana dito kana tumira sa lola,napatawad na namin ang nanay at ama mo,maari na bang dito ka na lumagi?" Agad na napabuntong hininga ako sa sinabi ni Lola
"Lola!sorry po marami pa kasi akong kaylangan gawin eh lalo na at grade 10 na ako,pero yaan nyo po sa birthday ko pupunta ako dyan,wala po kasing pasok non eh"
"Sige Apo,hihintayin kita!"
"Opo!salamat din po sa pag tawag"
Binababa na ni Lola ang tawag.Matagal nang gusto ni Lola na dun ako tumira sa kanila,simula pa nong napatay ang mga magulang ko.Sabi ni nanay mayaman daw si ama na anak ni Lola.Sabi nya din tutol daw talaga si Lola sa samahan ng dalawa dahil nga sa mayaman at mahirap namn itong nanay,palibhasa solong anak si ama ni Lola.Isang beses ko pa lang nakita si Lola nong kaarawan nya.Bukod sa mapag mataas na tingin nya,nakatakot din ito kung manalita.Halatang mayaman nga talaga.Si lolo naman matagal ng namatay kaya nag iisa na lang si Lola ngayon.
Gusto kong umuwi sa Lola ko dahil katulad nya nagiisa na din ako.Working student ako.Sa umaga papasok sa eskwela at pag dating ng hapon alas tres e medya papasok naman ako sa part time job ko sa isang restaurant.Mahirap pero kinakaya ko para rin naman sa future ko yun eh.
"AVERY ABIE HIDALGOOO!!"Agad akong napabangon sa kama ko hays.Wala talagang takas sa bunganga ni Abet short for Mabet.
Minabuti ko na wag na lang umimik.Wala rin namang mapapala kung sasagot ako.Tumayo na ako sa kama ko na isang taon atang dinaganan ng elepante dahil sa sobrang nipis na.
"Avery!!ang Lola mo!!!"
Anong meron kay Lola?katatawag nya lang ah dibaPumunta ako sa mini kitchen namin ni Abet,naupa lang kasi kami eh.Nakita ko siyang balisa at di maintindihan kung sasabihin ba o hindi na lang,Aawang ang bibili nya ng kaunti tapos iiling at iikot sa kinatatayuan.Ano ba talagang nangyari?
"Ang Lola ko ay?"Tanong ko dito
Para syang nababahala sa tanong ko.
"Kasi.."kasi ano!?,naasar na ako pero pinakita ko na parang wala lang
"Ano?"medyo irritable kong tanong sakanya.Kumuha ako ng tubing sa mini ref namin .Pero nakatingin pa rin ako sa kanya.
"Off ba cp mo?"Umiling ako sa tanong nya.
"Kas-i s-i Mang Ri-co yung driv-er ng lo-la mo,sabi ang Lola mo pa-patay na!"Agad kong nabitawan ang basong hawak ko.Lumikha ito ng napakalakas na ingay pero wala kahit na isa akong nadinig,nabingi ata ako sa pinagsasabi ni Abet.
"Ano sabi mo?"baka nabibingi na ako?kakausap ko lang kanina sa Lola ko eh
"Avery kahit ako di naniniwala pero kasi Avery!!"
HINDI HINDI PA PATAY SI LOLA.Kakausap ko pa lang kanina sa kanya eh.Hell No!
"Pinag sasabi mo huh?di pa patay si Lola kakausap ko lang sakanya eh,tignan mo oh!"naluluha na ako pero tinatatagan ko shit lang ehh .Pinakita ko sakanya ang call history ng cellphone ko.
"Avery!Nung isang buwan pa tumawag ang Lola mo"agad napalaki ang mata ko pero sino yung tumawag sakin kanina I swear boses yun ni Lola
"No!No!tumawag kanina sya sakin baka na delete ko lang"
Niyakap ako no Abet.Pero parang batang wala ako sa sarili kung makaiyak.Gusto kong sumigaw pero shit lang.
"Shhhhhh!bukas na bukas uuwi ka na sa bahay ng lola mo dun ka na mag papatuloy ng pagaaral,yan ang sabi daw ng Lola mo!"naiiyak na sabi ni Abet pero kahit isa sa sinabi nya wala akong nadinig iyak lang ako ng iyak.
"Soon!malalaman mo rin kung sino ang tumawag sa yo pero this time kaylangan mo na munang umuwi at para makita mo parin sya!"
Isa lang ang nasa isip ko'Uuwi na ako sa bahay ni Lola dun na ang bago kung buhay kahit na wala na sya,susundin ko ang ito nya kahit na labag pa ito sa loob ko,ito rin namn siguro ang gusto ni tatay at ni nanay,sana maging maayos na ang lahat'
Sana....
Done.