CHAPTER 2

277 13 4
                                    

Biglang bumukas ang pinto. Isang batang lalaki ang bumungad sa amin ni Ali. Napaka-cute niyang bata! Ang sarap kurutin sa pisngi. Hihi. Siguro magkakasundo sila ni Lala, magka-edad lang kasi sila sa palagay ko.

"Ano po kelangan nila?"

Tanong ng batang lalaki. Ang kyuuuuuut talaga! ^__^

"Ah, makikituloy lang sana kami kung maaari."

Sagot naman ni Ali. Nakatingin lang kasi ako sa bata kaya hindi ko masyadong narinig ang tanong niya. Buti andito si Ali.

"Sino po ba kayo?"

"Ako nga pala si Ali at siya naman ang kaibigan kong si Belle. Galing kasi kami sa malayong lugar at naglalakbay kami. Eh kailangan namin ng matutuluyan ngayong gabi baka may mga leon at lapain kami eh."

"Oo nga bata. Kaya pwede ba kaming magpalipas ng gabi dito? Pagod na kasi kami kakalipad."

"Lumipad po kayo?"

Nanlaki naman ang mga mata ng bata sa narinig. Naku naman! Ano ba yung sinabi ko? Kinurot naman ako ni Ali sa tagiliran. Tsk! Kasalanan ko bang nadulas ang bibig ko?

"Ay hindi bata! Ang ibig sabihin ni Belle ay pagod na kami kakalakad. Yun, naglakad lang kasi kami eh."

"Ganun po ba?"

"Kaya nga kung maaari makituloy kami ng kaibigan kong si Belle."

"Sige po. Pasok po kayo."

Binuksan naman niya ng malaki ang pinto kaya pumasok na kami ni Ali. Ang ginaw na din kasi sa labas eh. Sino kaya kasama ng batang 'to dito? Wala naman akong nakikitang ibang tao maliban sa kanya.

"May isang kama lang po dito kaya magtabi na lang po kayo."

"Naku! Sa sahig nalang kami matutulog ni Belle bata."

"Anong sa sahig?"

Pagrereklamo ko naman sa sinabi ni Ali. Sa tanang buhay ko hindi pa ako nakakatulog sa sahig noh! Bumulong naman siya sa akin.

"Anong gusto mo matulog ka sa labas?"

Inirapan ko nalang siya ng mata. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Ginusto ko naman 'to kaya sige na. Go na!

"Sige po. Ako nga po pala si Butchoy. Nagugutom po ba kayo? May tira pa po akong pandesal, baka po gusto nyo."

"Naku! Salamat nalang Butchoy, busog pa naman kami. Diba Belle?"

"Ah oo. Salamat sa pag-alok."

Totoo naman na busog pa kami kasi habang naglalakbay kami ni Ali kanina, kumakain naman kami kaya eto ubos na yung pagkain na dala namin galing palasyo.

"Eh Butchoy? Nag-iisa ka lang ba dito?"

Tanong naman ni Ali. Pati pala siya nakakapansin na. Wala kasi talaga kami nakitang ibang tao.

"Ako lang po mag-isa nakatira dito. Pero may kuya po ako kaya lang minsan lang siya dumadalaw."

"Bakit? Asan siya?"

Sumabat na ako sa pag-uusap nila. Curious na din kasi ako. Asan mga magulang nila? Bakit mag-isa lang siya?

"Nasa bayan po. Nagtatrabaho siya doon. Isa o dalawang beses sa isang linggo lang siya umuuwi dito."

"Eh asan mga magulang ninyo?"

Nag-aalalangang tanong ko. Napayuko naman si Butchoy bago sumagot. Bigla siyang nalungkot ng tinanong ko siya tungkol sa mga magulang niya.

"Patay na po sila."

"Sorry sa tanong ko, Butchoy."

"Wala po yun."

Kaya pala nag-iisa si Butchoy dito. Kawawa naman pala siya. Mabuti at nakayanan niyang mag-isa dito. Eh ang bata-bata pa niya.

Gumagabi na masyado kaya napagpasyahan naming matulog na. Hindi man ako komportable sa pagtulog ko pero walang akong magagawa. Dahil sa pagod din ang katawan ko, nakatulog din naman agad.

Kinabukasan, nagising kami ni Ali dahil sa lakas ng ulan. Bumangon agad ako at nakita ko si Butchoy. Nilalagay ang mga palanggana at balde sa may kusina. May mga butas pala ang bubong nila. Kawawa talaga!

"Mukhang hindi pa kayo makakaalis."

Sabay tingin niya sa amin ni Ali na ngayon ay nakatayo sa likuran niya.

"Tulungan ka na namin Butchoy."

Ika ni Ali.

"Okay lang po. Bisita ko kayo dito. Hehe."

Ang bait talagang bata.

"Kung ganun, hayaan mo kaming magluto ng makakain natin. Sinong gustong tumulong?"

"Ako syempre." Ali

"Ako din po." Butchoy

"Eh di tayo na. Hehe." Me

Kaya ayun magluluto na sana kami ngunit hindi ko alam paano magluto ng bigas. Wala naman kasing bigas sa kaharian noh! Hindi kami kumakain ng bigas. Harina lamang na ginawang pandesal. Kaya si Butchoy na din ang nagsaing at kami ni Ali ang nagluto ng ulam. 

"Kailan ba uuwi dito ang kuya mo, Butchoy?" 

Biglang tanong ko naman. Naalala ko kasi na may kuya si Butchoy. Baka namiss na niya tsaka gusto ko din siya makilala. Haha.

"Hindi ko po alam. Baka sa isang araw pa." Butchoy

"Aahh. Okay!" Me

Pagkaluto ng pagkain kumain na din kami. Ang sarap pala ng bigas na niluto. Hehehe. Noon pinaglalaruan lang namin ito eh pero masarap pala. Pagbalik namin ni Ali sa palasyo sasabihin ko kay Ina na magluto kami ng bigas. Tiyak masasarapan sila.

"Butchoy, anong ginagawa mo dito? Ikaw lang mag-isa? Hindi ka ba natatakot?" Ali

"Hindi naman po. Sanay na po ako eh." Butchoy

"Nag-aaral ka pa ba?" Me

"Opo. Nag-aaral ako noon pero huminto din po ako ngayong pasukan, hindi na kasi kaya sa sahod ni kuya." 

Malungkot na sagot ni Butchoy. Nag-iisa na nga siya, hindi pa siya nag-aaral. Kawawa talaga!! Kung dalhin ko nalang kaya siya sa palasyo? Eh hindi pala pwede, hindi pwede ang tao doon. Tsk!

"Pero baka po sa susunod makapasok na ako. Iniipon ko po kasi yung binibigay ni kuya sa akin eh." Butchoy

"Mabuti naman at marunong kang mag-ipon." Ali

"Opo naman. Hehe." Butchoy

"Alam mo Butchoy, mabuti kang bata kaya dapat hindi ka magbago." Me

Nginitian lang niya ako sa sinabi ko. Ang bata pa niya pero alam na niya kung gaano kahalaga ang pera. Marunong na siya mag-ipon.

Bigla namang may kumatok. Hala! Sino kaya yun? May hinihintay na bisita kaya si Butchoy?

"Saglit lang po, bubuksan ko lang." Butchoy

Tumango lang kami ni Ali. Tumayo na si Butchoy at naglakad papunta sa pintuan. Nanlaki ang mga mata namin ni Ali sa nakita namin.

__________________________________________________

A/N: Ayan na po! Pasensya na kung maikli lang. Sobrang busy po talaga ng buhay ko. Hehe!

Enjoy reading po! :)

Vote. Comment. Be Fan. Stay inlove.

OUR KIND OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon