NANG DAHIL SA TSINELAS( a short love story)

8.2K 176 65
                                    

AN:

dedicated to ms.rica manrique...warning!! warning!! ang kwentong ito ay may maselan na bahagi kaya nais kong ipaalam na bago ito basahin ay siguraduhing nasa tamang edad kayo..binabalaan ko kayo..kaya kung ikaw ay below 15..tsk!! wag matigas ang ulo huwag nang magbasa at matularan niyo pa..hoho..ndi aq magaling na writer at lalong ndi aq magaling gumawa nang BS kea wag masyadong mag expect..haha..aun lang support my story.enjoy reading..

___________________

NANG DAHIL SA TSINELAS ( a short love story )

High school life..yieeeee..,excited much na’ko..bakit? kasi yan ang simula nang lahat,simula nang iyong pagdadalaga at pagbibinata,diyan mo din matututong magmahal nang may kasamang sakit,nandyan din ang bisyo doon,cutting dito,ligawan dito at bastedan doon..ganyan ang buhay nang high school life

First year high school nang una ko siyang masilayan,pang-umaga ang academic ko at siya naman pang hapon,kapalitan namin siya nang room,kaya pagtatapat nang last 30 minutes na subject namin na social lumilipad na ang mata ko sa labas nang room

Bakit? kasi dun ko siya masisilayan,dahil nga sa kapalitan namin siya nang room,kailangan niyang mag-antay na matapos ang klase namin,sa unang kita ko palang tumibok na ang puso ko sa kanya,yung tipong hindi ka makahinga at masasabi mo sa puso mong hinay-hinay lang sa pagbilis, mamaya niyan atakihin na ako sa puso nang dahil sa’yo

Sure akong Alam niyo na din yung feeling na bigla ka ding mapapangiti pag nakita mo siyang ngumingiti? Kahit hindi ka naman yung nginingitian niya,ganun kasi ako,napapangiti din ako pag nakikita ko siyang ngumingiti kahit hindi naman para sakin,minsan nga naiisip ko, kailan kaya darating yung time na ako yung tunay niyang ngingitian at hindi iba

Pero syempre!! Hanggang pangarap nalang iyon,ilag kasi ako sa mga lalaki,nakakatawa ba? may crush ako pero ilag ako sa mga lalaki,actually hindi lang isa yung crush ko mga lima siguro,haha,ok lang naman iyon,crush lang naman pero iba pa din ang tunay na tinitibok nang puso mo

eto ngang katabi ko sa upuan ngayon crush ko din, pero na turn off ako sa kanya,eh pano ba naman kasi,may tinatago siyang amoy na nakakadismaya,meron siyang..uhm..sasabihin ko ba?

pero sige na nga,atin-atin lang ito ah,huwag mong pag-sasabi “ MAY BAD BREATH SIYA!!“,alam niyo pag sa tuwing nag-sasalita siya hindi na’ko humihinga kulang na nga lang mamatay na’ko sa kinauupuan ko dahil sa pagpipigil kong masinghot ang kanyang pamatay at walang tatalong” fresh breath”,hahah,minsan nga naisip kong sabihin sa kanya na “ gusto mong toothbrush at toothpaste marami nun sa bahay,promisehindi ka mag-sisisi pag ginamit mo “ haha,pero syempre hindi ko kayang sabihin yun!! kaya,no choice ako kundi pigilan nalang ang pag-hinga ko

sa buong first year life ko,nagkaroon naman ako nang mga friend,lima kami dati sa grupo hanggang sa nagkasira-sira kami,alam niyo na!!! ang mga plastic at papel mahirap pagsamahin,bukod sa nakakalason ang plastic, sobrang hirap pa ito pugsain,ganun siguro talaga ang role nang plastic sa mundo ang lasunin ang mga papel na nakapalibot sa kanila

isa lang ang natira kong kaibigan at iyon ang naging bestfriend ko,kasama ko siya sa lahat,mapa-bagyo man at mapa-araw nandyan siya palagi para tulungan ako,siya din ang nakaka-alam nang lahat nang pinag-dadaanan kong pasakit ngayon at sa susunod pang araw

Fourt year high school nang mag-umpisa ang lahat,konting silip sa crush bago umuwi,ganun ang Gawain namin nang bestfriend ko,bago kami niyan umuwi dadaanan namin ang lahat nang room nang crush namin,kunwari nag-gagala pero deep inside pag tumatapat na sa room nang crush,yung mata biglang magttwinkle at biglang mapapakagat labi para mapigilan ang kilig na ngiti

NANG DAHIL SA TSINELAS( a short love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon