Daydream
"Leticia.."
Naglalakad ako sa hallway ng may biglang tumawag sakin. Kaagad ko itong liningon at nakita ko ang aking long-time crush! Si Apollo! Hala! Bat nya ko tawag?
"U-uy bakit?"
"Matagal ko na 'tong gustong sabihin sa'yo"
"H-ha? A-ano yon Apollo?" saad ko habang lumalakad sya palapit sakin.
"I like you"
Natulala ako. Ang sikat na football player at long-time crush ko ay gusto ako? Panis ka Nora Aunor, akala ko ba walang himala? Magsasalita pa lamang ako ulit ng pinutol nya ito.
"Gustong gusto kita, Maria Leticia" saad nya at dahang dahang inilalapit sa akin ang kaniyang mukha. Lord, eto na ba? Makukuha na ba ng pinakamamahal kong lalaki ang first kiss ko? Ayan na malapit na ang labi nya, malapit na, malapit na-
"HOY MARIA LETICIA DE CASTRO!!"
Nagulantang ako at napabalikwas. Lumingon ako sa aking kanan at nakita ko si Maria Santina De Leones na nakasimangot na sa akin.
"Bakit ka ba nanggugulat ha?" sabi ko.
"Eh kasi naman Tasya, sinundo ka namin tapos, tapos na ang klase nyo kay Prof Recto, andito pa din tayo. Gutom na ko." saad nya
"Ano ba kasi iniisip mo Tasya?" Saad naman ni Maria Aya De Lianno.
"Nako, alam ko na, pinagpapantasyahan nanaman niyan si Gomez" sabi ni Santina
"Hoy! Grabe ka Santina hindi ah kente leng hihi" sabi ko at tumawa ng malakas na 'syang nakapagpasimangot lalo dito.
"Hay jusko tara na nga sa cafeteria at gutom na ko!"
-Cafeteria-
Nandito na kami ngayon sa lagi naming inuupuang table, lumalamon na si Santina at Aya samantalang ako ay nakatitig lang sa kanila. Una kong tinitigan si Maria Santina De Leones. Sa aming tatlo sya ang pinakamaingay at mainipin. Kita nyo naman kanina di ba? Kulang na lang tumawag ng bumbero para magising ang diwa ko kasi gutom na sya. Sunod ko namang tinitigan si Maria Aya De Lianno, eto naman saming tatlo ang pinaka-maria, napakabait at tahimik pero iba din kung magalit yan. 3rd year college na kaming tatlo at pare-pareho ang aming kurso na Business Management dahil na rin sa kagustuhan namin at dahil may mga businesses kami. Kung nagtataka kayo kung bakit puro kami may 'Maria' sa pangalan, well, dahil yan sa mga mommy namin na naisipan yon. Kinuwento samin na ang plano nilang dapat ay pagkakasundo-sunduin ang kanilang mga anak, ang kaso puro babae kami at only child kaya nagkasundo na lang sila na maglagay ng 'Maria' para daw andon pa din presence ng friendship nila. Weird noh? Talagang ganon na sila hihi pero pasalamat na din kami sakanila kasi kung di dahil sakanila di kami magiging magkakaibigang tatlo. Nagmumuni-muni pa ako ng bigla akong sinitsitan ni Santina.
"Ano? Gutom ka pa?" gulat kong sabi sakanya dahil andami nyang inorder kanina tapos gutom pa sya? ano meron sa tyan nito yung totoo?
"Hindi ha! Grabe ka sis, gusto ko lang namang sabihin andyan si crushie mo sa may bilihan ng tubig oh" sabi nya habang ngumunguso sa direksyon ng bilihan ng tubig.
Agad akong lumingon at doon ay nakita ko syang nakapang-practice attire pero pogi pa din. Hmm. Ano pa nga ba ang aasahan sa isang Apollo Lionel Gomez? 3rd year college din sya tulad namin na mayroong kursong Business Management. Isa rin sya sa mayayaman dito sa school namin. Ang mga Gomez kasi ang may-ari ng iba't ibang hotel at restaurant chains sa buong mundo, at hindi lang yon, mayroon din silang hacienda ayon sa nabasa kong article. Sunod kay Apollo ay si Artemis Laurel Gomez, mas bata sya sa amin ng isang taon at ang kurso naman niya ay fashion designing. Hinanap na ulit ng mata ko si Apollo pero wala na siya sa bilihan ng tubig. Huh? Ang bilis naman ata nyang nakabili? At bakit natahimik ang mga kasama ko? Akmang magtatanong na sana ako sakanila ng makita ko si Apollo sa gilid namin kasama si Ezekiel August Castaneda at Axel John De Los Santos na mga football player at mayayaman rin. Pero teka? Bakit nandito sila?
"Tasya..." tawag sakin ni Aya
"Bakit?" sagot ko na naguguluhan dahil nakasimangot si Apollo habang si Santina at ang dalwang kasama ni Apollo ay natatawa.
"Kanina ka pa kasi tinatawag ni Apollo. May sasabihin ata sa'yo" sabi niya.
Agad akong napatingin sa nakasimangot na Apollo at nagtanong.
"Ano ba yung sasabihin mo?"
"Tsk. Finally, you answered kanina pa ako nandito nakatayo pero di mo ako pinapansin. Anyway, gusto ka daw kausapin ni Prof Recto. Punta ka na lang daw sa office nya." sabi nya at umalis na pero bago nila magawa iyon ay may dinagdag pa sya.
"Oh, and next time stop daydreaming, nasayang ang oras ko kakatawag sa'yo."
"A-ah s-sorry sige salamat." tahimik kong sabi kasi nahihiya na ako. Tumango lamang sya at naglakad na paalis.