Mag simula tayo sa kung saan masaya
Masayang mag kasama, masayang nangangarap
Nangangarap ng kinabukasan nating dalawa
Naaalala ko pa nga noon nakaupo tayo sa ilalim ng puno
Sa ilalim ng puno kung saan lahat ng pangarap ay ating binuo
Binuo na para bang kay daling abutin
Mga pangarap na nais matupad
Mga pangarap na pag mulat ng aking mata ay biglang nag laho
Nag laho na parang bula kasabay ng pag laho ng aking ngiti sabay patak ng luha
Mga luhang patuloy na pumapatak sa aking mga mata dala ng pighating parang hindi na ata kaya
Di na kaya pang tiisin ang sakit na nadarama
Gustong gustong sumuko na ngunit naalala ko mahal
Mag hihintay ako
Hihintayin ko ang pag babalik mo at sana bumalik kapa
Bumalik kapa sakin
Dahil mahal nandito lang ako sa ilalim ng puno
Sa ilalim ng puno kung saan binuo natin ang ating mga pangarap
Sa ilalim ng puno kung mag isang nakaupo
Nakaupo habang hinihintay ang pag babalik mo mahal sabay sambit ng mga katagang Mahal andito lang ako nag hihintay sa ilalim ng puno
Naghihintay, maghihintay ano man ang mang yare
BINABASA MO ANG
My Sentiments
PoetryMinsan kasama sa buhay ang masaktan nasasayo nalang kung paano mo ito tatanggapin