Magiging okay karin
Magiging okay karin sa lahat lahat ng sakit
Sa mga sakit na naiwan
Darating ang araw na sasaya ka ulit
Sasaya hindi dahil bumalik na sya
Sasaya ka dahil tanggap mo na
Tanggap mo na kung anong nang yare sa inyong dalawa
Tanggap mo na
Tanggap mo na nga ba?
Tanggap mo na nga bang wala na sya?
Tanggap mo na nga bang iniwan kana nya
Tama na, tama na umiiyak ka nanaman ng dahil sa kanya
Maawa ka, maawa ka sa sarili mo
Sarili mo na tila ba nag laho na
Nag laho na ang dating ikaw
Ikaw na masaya, ikaw na palaging nakatawa
Asan na? asan na nga ba ang dating ikaw?
Bumalik kana, ibalik mo na ang dating ikaw
Wag mo nang hintayin pang bumalik sya
Pakiusap lang maawa kana sa sarili mo
Ayusin mo na ang sarili mo
Tama na, tama na ang pag iyak tama na ang pag patak ng luha
Tama na magiging okey karin
Hindi ngayon pero pangako magiging okey kadin
BINABASA MO ANG
My Sentiments
PoetryMinsan kasama sa buhay ang masaktan nasasayo nalang kung paano mo ito tatanggapin