guys,to make things clear Miss Candy po ang pen name ko pag nagsusulat ako:)
Happy Reading!
CHAPTER 1
Malalim na ang gabi,malamig ang
kapaligiran dahil kakatapos lang
bumuhos ng isang malakas na
ulan.Napaka tahimik ng lugar.Tanging
huni ng kuliglig at palaka ang maririnig
sa kapaligiran.
Kahit medyo nahihilo,nagawa parin ni
Nestor ang mag maneho sa kabila ng
madulas na kalsada at matarik na
bangin sa gilid ng dinadaanan nya.
Birthday kasi ng kumpare nya,may
konting salo-salo at inuman.Eh medyo
naparami ang inom kaya mas minabuti
na lang niyang magpaalam sa mga ka
trabaho nyang pulis nang tumila ang
ulan.At isa pa,ayaw din niya mag alala
ang mahal niyang kabiyak-si Maria.
Ginarahe niya ang kanyang owner-type
jeep sa labas ng tarangkahan ng
kanilang bahay.Pagpasok niya sa
loob,dire diretso sya sa banyo-naiihi
na kasi siya.Pagkatapos nun,bigla
siyang nakaramdam ng gutom.
"Tulog na siguro ang asawa ko kaya
ako na lang maghahanda ng hapunan
ko.."naisip niya.
Dumiretso siya sa kusina,saka binuksan
ang refrigerator para tingnan kung ano
ang pwede niyang makain ng oras na
iyon.Pagbukas niya ng
refrigerator,biglang sumikdo ang
kanyang dibdib!Para siyang tatakasan
ng ulirat,nanlamig sa kanyang mga
nakita,gumapang ang nginig at kilabot
sa buo niyang pagkatao!Para siyang
tinadyakan ng demonyo sa kanyang
dibdib sa kanyang nakita!
Dalawang pugot na ulo na bahagyang
nakatalikod kaya hindi maaninag ang
mukha,mga duguang putol na kamay
at paa at mga lamang-loob ang
kanyang nakita sa loob ng refrigerator!
Tila isang biro lang ang lahat para sa
kanya,pero niloloko lang niya ang sarili
niya.Na lahat ng nakikita niya ay hindi
isang biro lamang!
Dahil aminin man nya o hindi,base sa
gutay2x na kulay asul na damit
pambata na superman design at kulay
pink na bestida...alam nya sa sa sarili
niya bilang isang ama,ang natagpuan
nya sa loob ng refrigerator-ay katawan
ng mga anak nya!
Don't forget to hit like and comment:)
enjoy reading!#ms.candy
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ni Maria Labo
HororAng kuwento ng kababalaghan na magpapasindak sa inyo.Ang istorya ng isang babae na nagngangalang Maria na nangibang-bansa para sa kanyang pamilya.Subalit sa pakikipag sapalaran niyang iyon ay isang misteryo at lihim ang magbabago sa kanyang kaanyuan...