RAVEN'S POV."HINDI ka ba papasok?" Maaga palang ay kinatok na ako ni dad sa kwarto.
Umiling ako at sinabi na sumasakit ang ulo ko. Na totoo naman talaga.
Ilang araw na rin akong walang matinong oras ng tulog kakaisip.
Nang makapananghali na ay napagpasyahan kong magpunta sa sementeryo para dalawin ang puntod ni mommy. Sinamahan ako ng anim na bodyguards. Akala ko ay napahamak na talaga ang ilan sa kanila noong nakaraan, mabuti nalang pala at hindi.
Ni hindi na ako nakabili ng bulaklak, tanging mga kandila lamang ang nadala ko na agad kong sinindihan pagkarating doon.
Dumistansya ang mga bodyguards ko para bigyan ako ng privacy pero hindi naman sila malayo saakin.
Umupo na ako sa harap ng puntod ni mommy habang nakatingin sa pangalan nyang nakasulat roon.
Aizel Villanueva-Hillson
Born on: September 04, 1985
Died on: December 24, 2010She died before Christmas. Pauwi na sana sya mula sa business trip sa Singapore para makasama namin sya sa Noche Buena pero nag-crash ang eroplano. She died when I was 8 years old. She and Guiller's mom.
And that's the saddest story of my life.
But...
>FLASHBACK...<
Nagtatakbo ako sa gitna ng kagubatang iyon. Ilang beses na akong nadapa at natalisod sa malalaking ugat ng mga puno pero hindi ko yon iniinda. Ang mahalaga ay makatakas ako mula sa mga kidnapper.
Narinig ko kasi ang usapan nila na kahit ibigay daw ni dad ang ransom na hinihingi nila, papatayin pa rin nila ako dahil nakita ko ang mga mukha nila.
Natanaw ko ang kalsada kaya't nakahinga ako ng maluwang. Nang lumingon ako ay nakita ko ang mga humahabol saakin, malayu-layo pa.
Takbo lang ako ng takbo. Wala akong makitang tao na maaari kong paghingian ng tulong. Napadaan pa ako sa sementeryo pero wala parin talagang tao!
"Bata! Tigilan mo na ang pagtakbo!" Anang isa na malapit na saakin. Nagpanic ako at lumiko upang pumasok sa sementeryo.
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Teen Fiction"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^