Chapter 4
Sumunod ako sa matanda,mga ilang
minuto lang narating namin ang bahay
niya.Isang simpleng kubo lamang na
yari sa kawayan at nipa ang kanyang
bahay.Pero napakalinis ng
kapaligiran,sari-saring puno at
halaman ang naroroon.
"Umupo ka muna ineng,pag
pasensiyahan mo na ang munting
tahanan ko ha at ito'y maliit
laang.."nakangiting saad ng matanda.
Umupo ako sa ka tapat bangko na yari
sa kawayan,sa likod ng bahay
niya.Presko ang hangin at aba may ilog
pala dito sa likuran ng bahay niya!
"Ah,lola ano ho bang nangyari?bakit
maraming tao kanina sa presinto?"
"Kilala mo ba si Maria Labo
ineng?"seryosong tanong ng matanda
sa akin.
"Narinig ko lang po yun sa kalaro ko
dati lola,sabi daw kasi ng nanay niya
pag sapit daw ng alas sais ng
gabi,dapat hindi daw lalabas ng bahay
lahat ng mga bata..bakit lola,sino at
ano po ba si Maria Labo?"
Si Maria ay tubong-Iloilo.Isang
ilongga.Maaga siyang nag asawa sa
edad na diese-otso.Agad nahulog ang
kanyang loob sa binatang si
Nestor.Mabait kasi si Nestor,gwapo at
simpatiko.Nang di kalaunan naging
mag nobyo nga sila.At lumipas ang
ilang buwan,napag pasiyahan nilang
tumanan.
Lumipas ang maraming
taon,biniyayaan sila ng dalawang
anak.Itinaguyod nilang mag asawa ang
pag papaaral sa kanilang mga
anak.Subalit hindi sapat ang pagiging
pulis ni Nestor upang matustusan ang
pangangailangan ng kanyang
pamilya.Labag man sa kalooban ni
Maria,napag desisyunan niyang mag
aral ng Caregiving sa loob ng anim na
buwan at nagpasyang mag-abroad...
************
LONDON,ENGLAND
Nakangiting pinagmasdan ni Maria ang
matandang lalaki nakatanaw sa labas
ng bintana ng kuwarto nito.Maulan kasi
nung panahong yun kaya napaka
lamig ng klima.Inobserbahan niya ang
kilos ng matanda,tila aliw na aliw ito sa
bawat tagaktak ng ulan sa kanyang
bintana.
"Every raindrop reminds me of a
clock..every tick of it,is precious..like a
sands of time..every grain is
enormous.."ani ng matanda na sarili
lamang sinasabi.
Siya si Lord Luther Braddencroft.Isang
mayamang negosyante,kilalang matinik
na negotiator at entrepreneur sa
buong buisness empire ng London.He
owned lots of buisnesses in
France,Germany and Scottland.
But as years go by,ang dating matikas
na Lord Luther Braddencroft ay parang
isa ng kandila na unti unting nauupos.
Dahil matanda na,napagpasiyahan ng
mga anak niya na kumuha ng taga pag
alaga at taga pag subaybay sa kanilang
ama.
At dito nga nadestino si Maria,sa loob
ng tatlong taon malaki ang
pasasalamat niya at naging maganda
ang pag trato sa kanya ng buong
angkan.Siguro nga sinuwerte siya sa
pag aabroad kung maituturing.Wala
siyang masabi sa kanyang
emloyer,naging magiliw ang pag
tanggap sa kanya sa simula pa lang.
Ngunit itong nakaraang linggo lamang
napapansin niyang humihina ng husto
ang matanda.
Don't forget to hit like and comment:)
#ms.candy
BINABASA MO ANG
Ang Kuwento ni Maria Labo
HorrorAng kuwento ng kababalaghan na magpapasindak sa inyo.Ang istorya ng isang babae na nagngangalang Maria na nangibang-bansa para sa kanyang pamilya.Subalit sa pakikipag sapalaran niyang iyon ay isang misteryo at lihim ang magbabago sa kanyang kaanyuan...