BBI-18

5 0 0
                                    

PNR

Himala dahil maaga kaming nakauwi ngayon sa CWTS subject namin, medyo maaga kasing nagdismiss ang professor namin at medyo naiinis dahil hindi ko nakita si Jessa.

"Oy Pol uuwi ka na agad?" Sambit ni meinard

"Oo eh" sambit ko

"Mamaya na!, samahan mo ko mag cutting trip, sila mika" sambit niya pa

"Pass muna ko" agad akong sumakay sa PNR noong dumating

Hindi kalimitan na makikita sa loob ng PNR kabang ganitong araw at ganitong  oras tiyak na maluwag na maluwag ang mga bagon. Sarap kaya sa feeling.

"Paparating na po tayo sa tutuban station"

Hindi ko na namalayan na andun na agad ako sa lugar na yun dahil hindi mo kasi ramdam na nababawasan yung tao unlike kapag normal days.

*Train stops*

Nagpanic ang lahat dahil bakit biglang kumaldag ang train, na para bang may nadaan na bato or something.

"Ayun oh tignan niyo sa bintana"

Lahat sila tinignan yung tinuturo ng babae, pero ako dedma lang hindi ko rin naman alam talaga not into gossips kasi ako pero...

"Kawawa yung babae naipit"

"Picturan niyo, evidence yan"

Sa isip ko kasi mukha ng seryoso kung anong nangyari kaya sumilip na rin ako, tambad ang isang babae hindi maayos ang kanyang kasuotan pagkatapos i pull yung babae yung tren umandar nanaman ulit.

"Hati yung katawan no?"

"Gara! Kawawa naman"

"Sabi nila wala na daw sa pag iisip yung babae na yan laging padaan daan kapag may tren".

Hindi ako nag react sa kung ano ano pa mang sinasabi nila basta ang nasa isip ko, "ganun lang pala?! ganun lang pala kadali ang buhay ng tao" you will not know ika nga nila.

"Uy"

Bigla nalang may sumigaw at pilit kumakaway sa akin, pero wala kasi ako sa mood makipag usap or kung ano pa man hindi pa kasi nag sisink in sakin yung mga nanyare.

"Ayaw naman ako pansinin neto" - sambit niya pa

Si Ple pala akala ko kung sino yung taong nangungulit siya yung childhood friend ko same kami ng birthday kaya kung tutuusin halos kambal na kaming dalawa.

"Ikaw pala yan, Ple" -sambit ko

"Gara mo naman eh, ayaw mo ata ako makita eh" pagtatampo niya.

"Oyt hindi ah, natutuwa nga akong makita ka eh, kamusta ka na ba?" -tanong ko sa kanya

"Okay lang naman, ikaw?" -sagot niya

"HINDI AKO NANINIWALA!, sige! Dito lang ako makikinig ako sayo" - sambit ko

"Nahuli mo agad ako!" - sabay tawa niya

Maharang bumabagsak ang mga luha sa mga mata niya, salitang mabibigat sa damdamin ang mga salitang sinasambit niya.

"Last month yung Tatay ko naaksidente nagtamo siya ng sugat, bali ang balikat"

"Okay na siya?"

"Oo, okay pero bago yun nadiagnose yung Nanay ko na may gallbladder stone. We can't afford the money for operations"

"Bakit di mo sinabi agad sa akin?"

"Yung Nanay ko sumuko na she eats lahat ng bawal sa kanya, pinapatay niya na yung sarili niya"

Patuloy pa ring umaagos ang mga luha sa mata niya habang nagkukwento siya, napaka wala kong kwentang kabigan para sa kanya.

"This time I been diagnosed with sinusitis a disease that hurts my head so much, I can't even sleep sometimes because of this. Ang dami ko na ring binagsak na exams sobrang random niya sumumpong"

Hinawakan ko ang mukha niya paangat sa mga buhok niya at hinawakan ng mahigpit ang mga ito.

"I already gave up on my life"

Mga salitang di ko yata kayang palagpasin, mga salitang nais kong paalisin sa isipin ng nagugulujang damdamin.

"Gusto ko lang ng makakausap"

Pero pinalampas ko, wala akong masabi kundi tumingin nalang sa mga bitwin na nagnining.

*phone rings*

"Oo pauwi na ako"

"Kailangan ko ng umuwi"

Ni wala man lang akong salitang nabitawan para sa kanya, para sa damdamin niyang magulo, para sa isip niya na mawawala na. Hanggang makalipas ang mahigit dalawang linggo.

"Hindi ko na talaga kaya"

"Nandito lang ako"

"Ang hirap pala na araw araw mong nakikita yung mga magulang mo na nakatulala at umiiyak"

"Parang mas gugustuhin mo nalang na wala ka sa bahay at wala ka na"

"H'wag mo ngang pinagsasabi yan, kinikilabutan ako sayo e"

Kilala siya bilang isang masayahin, never niyang pinakita na nahihirapan o nasasaktan na siya ni hindi mo nga makikitang iiyak to sa harap ng iba.

"Eh ano ngang gagawin ko"

"You have lots of frien...."

"Walang gustong makinig sa kanila"

"Pero baka hindi mo lang na-open up ng maayos?!

Haaaaa?!

Walang lumabas sa mga bibig ko mistulang isang istatwa na hindi makaimik sa mga kwento niya.

"Nagtataka ka ba sa mga naririnig mo?! Tama lang yung mga naririnig mo akala ko kaibigan ko sila"

AKALA KO RIN

Bakit ba ikaw?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon