RestRoom 2

12.4K 78 1
                                    


" Girls? Hindi ko yata nakita ang pangit? " Tanong ni Kaori sa tatlo.

" Oo nga, baka natauhan! " Natatawang sabi ni Maya na inikot ikot ang buhok.

" Baka may nangyari sa kanya Kao. "

" Oh Di mabuti nang wala na akong makitang asungot. "

" Natauhan na nga siguro yon kasi tanda ko palaging maaga yon pumasok.   " Sabi ni Kira na nakatingin sa kuko niya.

" Ah that would be good. I can't stand seeing her ugly appearance eh. Palagi nalang niyang pinapainit ang ulo ko. "

Samantala.....

" Ano ba Issa ayusin mo naman ang paggupit sa bangs ko. Ang haba pa rin eh. " Napapadyak na reklamo ni Clover.

" Ikaw kayang umayos, kaya tayo di natatapos tapos kasi puro ka reklamo eh. "

" Tsss. Oo na, kasi eh, parang iba yong vibes ko dito."

" Paanong iba?"

" There's something na I can't explain eh. And I felt so lamig na. "

" Jeez, tigilan mo nga yang ka-conyohan mo. Naiinis na ako sa kaartehan mo. "

" Oh my G! Did you hear that? "

" Heard what?"

" Someone's banging the door. So loud pa nga eh!"

" Tumigil ka Clover ha? Wala akong naririnig! " Pero kinakabahan na rin si Issa.

" Omo! Shit! Look what you've done to my hair?! It's not even na! Teka nga at papasukin ko lang ang nagheheadbang sa last cubicle. Bwesit sya ha! " Galit na iniwan siya nito.

Malaki ang Cr nilang mga girls. May tag lalabindalawang magkarap na cubicle sa loob at dalawang mahabang sink. Hinarap na lang ni Issa ang sarili at ang humahabang bangs naman niya ang binalingan. Kambal kasi sila ni Clover kaya pati buhok nila pareha na mahaba at may bangs. Hindi sila madaling makilala unless basahin ang name tag nila.

Tapos na siyang gupitin ang bangs pero Di pa rin lumalabas ng cubicle si Clover kaya naman tinawag niya ito pero hindi siya sinagot.

Sa inis ni Issa ay nilapitan niya ang cubicle only to be surprised sa nakita. Nagsisigaw na lumabas siya ng Cr.


Tulalang Issa ang kaharap ng mga professor. Pagkatapos nitong humagulgol kanina ay hindi na ito umiimik.

" Guess what? I've seen Tina kanina sa hallway. Pero yong suot niya is yong kahapon pa. At ang bruha biglang nawala nang lapitan ako ni Mendy. " Ani Maya na umupo sa tabi ni Kaori.

" Oh my God! Really?! That's so sad! "

Napalingon sila ni Kaori kina Mori at Kira na papalapit.

" Girl, you won't believe what happened to Clover. "

" Bakit? Ano namang nangyari sa conyang yon?" Nakataas ang kilay na tanong ni Kaori.

" P-patay na, I mean wala na daw si Clover. Yon ang usap-usapan sa pila.
Umiiyak si Issa na nagtatatakbo kanina sa hallway. "

" What? Paanong namatay?"

" Don lang daw silang dalawa sa CR kanina tas inis daw na lumapit si Clover sa last cubicle pero nagtaka daw siya hindi na lumabas. Tapos nang tingnan ni Issa wala daw si Clover doon. "

" Puro ka daw! Hmmp saan naman kaya napunta ang babaeng yon? Baka nanti-trip lang."

" Ang nakita nila nang bumalik ng CR is yong isang sapatos nalang daw ni Clover. Kanina pa raw tulala si Issa, girl. How creep!"

" Nah! I won't buy her story. Those twins are evil, they love attention, baka drama lang nila. Tara na nga sa room. Nawalan tuloy ako ng gana. "

Nagtatakang napasunod na lang ang tatlo kay Kaori.

How did it happen? How did she manage na magpakita sa akin at kay Maya? Tumakbo ba ang pangit na yon?
Aih! Bakit ko ba iniisip ang bruhang yon? Baka sa two subject s ko lang siya absent maybe magpapakita na siya Mamaya. And once makita ko siya, she'll pay big time.

" You! What have you done? " Nanlilisik ang matang kompronta ni Issa.

Gulat na napataas ng tingin si Kaori kay Issa. Nahinto naman ang professor nila sa paglelecture.

" Miss Fausto, go to your seat. "

" Ano bang pinagsasabi mo?" Mahina pero naiinis na tanong ni Kaori.

" Y-yong cubicle na pinasukan ni Clover, may pangalan mo na nakasulat sa wall. Your name in blood Kaori. Anong kinalaman mo sa pagkawalang bigla ni Clover? Tell me? " Histerekal na si Issa.

" Bitiwan mo siya bitch! Baka magsisi ka. Ano ba, bitiwan mo siya." Galit na banta ni Maya.

" Miss Fausto! Miss Jacinto and Miss Hayashi stop it!

" Wala akong alam sa pinagsasabi mo! " Inis na tinanggal ni Kaori ang kamay ni Issa." And don't you dare put the blame on me! Kayo ang magkasama ni Clover sa loob, bakit sa akin mo siya hinahanap? And what the hell are you talking about? Sino naman ang magsusulat ng pangalan ko gamit ang dugo? Nakadrugs ka ba?" Singhal ni Kaori sa kanya.

" Of course not! And yes tiyak kong nandon ang pangalan mo sa wall ng cubicle Kaori. Once nalaman kong may kinalaman ka sa pagkawala niya, I'll avenge my twin and that's a promise.

" Sige lang bitch! Paghahandaan ka namin! " Ani Kira.

" Ano ba? Ayaw niyo bang makinig? Get out! The four of you!" Umuusok ang ilong sa galit na pagpapalabas ng prof nila.

Inis na kinuha ni Kaori ang bag saka naunang lumabas. Nagtatakbong humabol naman sina Kira at Maya sa kanya. Samantalang nagdadabog namang sumunod si Issa. Wala na sa hallway ang tatlo nang makalabas siya ng room and then she saw Tina sa dulo ng hallway at kahit malayo ay nakita niyang ngumiti ito saka tumalikod.




Nagising si Issa na masakit ang ulo. Parang may kung anong bagay ang ipinalo sa ulo niya.

" I-issa! Issa!"

" Clover?! Oh my God! Anong nangyari? At saka... Bakit? Bakit ka nakagapos? At ako din? "Sunod sunod na tanong ni Issa sa kakambal. Nasa isang kwarto sila na tanging silang dalawa lang ang naiilawan.

" Papatayin niya tayo Issa... Papatayin niya tayo....huhuhu. " umiiyak na sabi ni Clover.

" Ano?! Anong papatayin? Teka? Sinong nag gapos sa atin?" Ouch! Ang sakit ng ulo ko!"

" We shouldn't have done it to her. She'll gonna make us pay. Issa natatakot ako." Umiiyak pa rin na pahayag ni Clover. May sugat ang noo nito at may ilang patak ng dugo ang damit. Malaki ang  hiwa nito sa pisngi. Marami rin itong pasa sa braso at binti.

" Sino? Sino ang gumawa nito? Bakit? Bakit niya tayo ginaganito?"

" Because we've been bad to her, she wants revenge. Huhuhu. We're gonna die sister. Look at you right side. Tingnan mo!"

Nanlaki ang mata ni Issa, nakita niya ang sarili sa salamin, ang dating mahabang buhok niya ay hindi na pantay ang haba, gaya ni Clover ay may hiwa din siya sa pisngi. May sugat sa noo, pasa sa binti't braso. Sa madaling salita kung anong nangyayari kay Clover ay ganon din sa kanya. Napasigaw nalang si Issa sa nakita.

RESTROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon