Angelo's POV
"Lorie!"
Nag mamadali akong lumapit sa girlfriend kong si Lorie para ibigay sa kanya ang regalo ko.
1st year Anniversary kasi ng relasyon naming dalawa ngayon.
September 25 , 2016
Sinabihan ko syang puntahan ako dito sa Luneta Park.
Ok. Alam kong napaka oldies kung pakinggan na dito ko sya sa Luneta Park pinapunta.
Isa kasi sa mahahalagang lugar ito para saaming dalawa ni Lorie, dahil dito kami unang nag kita.
-
Field trip nila Lorie nung time na yun, at ako naman yung isa sa mga nakuhang photographer ng school namin. Nasa iisang university lang kami pero mag kaiba kami ng course ni Lorie, Architect sya Multimedia Arts naman ang kinuha ko.
Pasimple ko syang kinukuhanan ng litrato. Sa dinami-dami nilang estudyante noon, sya lang yung bukod tanging naka kuha ng atensyon ko.
Alalang - alala ko pa yung bilis ng tibok ng puso ko nung kinausap nya ako para picture-an sila ng mga kaibigan nya.
Nakakatunaw yung mga mata nya, lalo na kapag ngumingiti sya, para bang nanlalambot yung puso ko para sa kanya. First time kong makaramdam ng ganoon sa isang tao.
Anim na buwan ko syang niligawan, hanggang sa binigay nya narin ang dalawang letrang pinaka hihintay kong sabihin nya , "Oo!"
-
"Lorie, Happy Anniversary!"
Inabot ko sa kanya ang dala-dala kong bouquet at 3 chocolate drink na Chuckie , favorite nya kasi yun.Halos matunaw naman yung puso ko nang makita ko yung magagandang ngiti nya, agad nya akong niyakap ng mahigpit
"Thank you, Angelo! Akala ko makakalimutan mo na Anniversary natin ngayon."
"Pwede ba naman yun? Syempre mahalaga ka saakin, kaya mahalaga din ang araw na ito para saakin. I love you, Lorie."
"Ano kaba Angelo! Pinapa iyak mo naman ako eh! Mahal na mahal kita!"
-
Isa ako sa pinaka ma s-swerteng tao dito sa mundo na ito, syempre napasagot ko lang naman ang nag iisang LORAINE VASQUEZ.
Isa sya sa mga pinag mamalaki ng University namin, hindi lang dahil sa panlaban namin ang kagandahan ng girlfriend ko sa mga beauty contest, kundi pati narin sa patalinuhan, nangunguna ang girlfriend ko diyan!
Dream girl nga kung sabihin nila. Kaya nga kahit sobrang tamad kong lalaki noon, na inspire akong pag igihan ang pag-aaral ko para sa kanya. Para may magandang trabaho akong maipag mamalaki sa mga magulang nya na minsan na akong minaliit.
Mayaman ang pamilya ni Lorie, Manager ng isang malaking company ang nanay nya at nasa military naman ang tatay nya. Nag iisang anak lang nila si Lorie kaya naman sobrang ingat na ingat sila para sa kanya.
Habang ako naman, namatay sa isang aksidente ang nanay at tatay ko. 3 kaming mag kakapatid at ako ang panganay, napilitan akong huminto ng 2 taon para makapag ipon ng pera pampaaral sa aming mag kakapatid. Ilang beses akong umattend sa mga libreng seminar tungkol sa photography, hanggang sa nahasa ko ang talento ko sa pag kuha ng litrato, pumunta punta ako sa mga sikat na destinasyon dito sa maynila gaya na lang ng Rizal Park para mag offer sa mga tourista na picture-an sila.
BINABASA MO ANG
Mahal, Ako pa rin ba?
Teen FictionTill death do us part, kahit hindi pa kasal si Lorie at Angelo ito ang kanilang sumpaan sa isa't-isa. Ngunit isang trahedya ang mangyayari at hahadlang sa pag-iibigan nilang dalawa. Maaalala pa kaya nila ang sumpaan nilang dalawa? O tuluyan nalang i...