Hae Min's POV
"I missed you so much, Min-Min."
Nanlalaki ang mga mata kong tinitigan ito habang papalapit ang labi niya sa labi ko. Within seconds, his lips crashed into mine. At wala sa sariling tinugunan ko naman ang halik ni Sehun.
Hindi ko mawari ang nararamdaman ngayon. Halos mabingi ako sa kabog ng aking dibdib. Para bang gusto kong matunaw sa halik niya, jusko!
Ilang segundo rin bago rumehistro sa utak ko na nasa harap kami ng maraming tao. Unti-unti rin nagbalik ang mga pinagdaanan ko nang iniwan ako ng lalakeng ito.
Tinulak ko si Sehun palayo at tinapunan siya ng masamang tingin. Naririnig ko sa paligid ang bulungan ng mga tao, nagtataka sa nangyari.
"How dare you?!!" galit kong hiyaw sa kanya. Tinalikuran ko si Sehun at hiyang-hiya na nagwalkout palabas ng restaurant.
"Min-Min, please mag-usap naman tayo kahit sandali lang! Min-Min!" pakiusap ni Sehun habang nakasunod sakin.
Galit akong lumingon dito at huminto sa paglalakad nang malakabas kami sa resto.
"Ano bang gusto mo mangyari hah?! Akala mo ba madadaan ako diyan sa mga galawan mo?! Do you really think that you can have me back with that kiss?! Hah! Lalo mo lang dinadagdagan ang sama ng loob ko sayo!" sigaw ko sa pagmumukha ni Sehun na animo'y maamong tupa na nakatingin sakin.
"But you responded. Which means you missed me too. Tama ba 'ko?" he confidently smiled.
"H-hindi ah! Tinulak nga kita diba?! Kalokohan yang sinasabi mo!" todo deny ko sa kanya.
"Liar." ngisi nito.
"Same to you!" sagot ko. Nginisian ko din ito bago tumalikod at naglakad ulit palayo.
"Min-Min, if you can just give me a f*ckin' minute to explain! Bakit ba napaka-stubborn mo hah?!! Palagi ka nalang nagwo-walkout!! sigaw nito habang nakasunod siya ulit.
"Pakialam mo ba?! Eh sa habit ko magwalkout!"
"Hindi ka ba napapagod hah? Min-Min naman, kung nagusap na sana tayo, eh di tapos na sana diba?! Wui!" wika niya sabay hila sa braso ko.
"Nag-uusap na tayo diba?! So ano pang dapat pag-usapan?! Tsaka pwede ba, bitawan mo nga ako!!"
Otomatiko naman na binitawan ni Sehun ang braso ko dahil narin sa mga matang nakamasid samin sa daan. Ngunit hindi pa rin ito tumigil kakakulit sa akin.
"Usap na ba sayo 'to? Hindi ba mas maganda kung magkape-kape naman tayo habang nag-uusap?" nakangiting paanyaya niya.
"Ten months, Sehun! Ten months kang hindi nagparamdam, punyeta ka! Tapos hahalikan mo ko at sasabihing MAGKAPE-KAPE TAYO?!! G*go ka ba?!!" bulyaw ko at pinaningkitan ito ng tingin.
"Umm.. kung ayaw mo ng kape, dinner na lang?" he sheepishly smiled.
Maygawd!
Talagang ang lakas niya mang-asar!!
"Pilosopo ka rin noh?! Can't you take a hint that I don't want anything to do with you?!! Get lost, Sehun!!" I screamed.
I turned my back on him and hurriedly called a cab right at the corner of the street.
Pagka-para ng cab, sumakay agad ako sa likuran. Habang nagbibigay ako ng instructions sa driver, siya namang biglang pasok ni Sehun sa sasakyan at umupo sa tabi ko.
"What the h*ll?!" I shouted at him.
Parang wala naman itong narinig. Nakipag-usap si Sehun sa driver at imbes na sa bahay ako papunta, ngayo'y patungo kami sa Tenax Club (one of the most famous nightclubs here in Florence).
BINABASA MO ANG
EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>
FanfictionA/N: This story contains matured languages and scenes not suitable for very young readers. Though It's not too much and I censored some words. Please don't copy any content of my story as PLAGIARISM IS A CRIME. Also might I suggest if you read first...