Chapter 10: Reborn

45 5 1
                                    

Third person's POV

Mabilis ngang nakatakas sina Arc at sa tulong na rin ni Zack, mabilis silang nakabalik sa New Lock city gamit ang teleportation spell nito.

Tumunog ang naman ang isang alarm o buzzer na nakapukaw ng pansin sa isang piloto na siyang nagmamaneho sa eroplanong sinasakyan nina Thumpyr ngayon.

"Sir nawawala po ang The Mythmen Reborn team... Hindi na po sila ma-scan... Wala na po sila rito sa loob ng aircraft..." pag-uulat ng piloto habang nakatingin sa isang monitor.

Umiling si Thumpyr at sinabing...

"Reroute the ship, babalik tayo sa New Lock city..." pag-uutos niya at hinigop ang kanyang hawak na tabako.

Agad siyang lumabas sa cockpit at pumunta sa kinalalagyan nina Revenger at Zack.

Napatingin siya agad kay Zack na kasalukuyang nakaupo habang paharap na nakasandal sa tungkod nito.

"I know what you've done..." sabi niya.

"Tinawag mo 'ko para tulungan ka, ginagwa ko lang ang sinabi mo..." sabi ni Zack.

"Pinapahamak mo sila." --

"Pasensya ka na Thumpyr, kailangan ko 'yung gawin..." --

"Anything happens to them is on you..." sabi ni Thumpyr.

"Alam ko at handa ako do'n..." sagot ni Zack.

**********************

Bumalik nga sa Victorious school of Music ang Reborners kahit na labag pa ito sa kagustuhan ni Thumpyr.

Gabi na at nakasarado na ang gate ng school kaya nag-iisip sila ngayon ng paraan para makapasok sa napakataas na gate na ito.

"Ah sarado..." sabi ni Arc at bigla siyang tinignan ng lahat. "Meme 'yun okay... Teka lang, 'di ba marunong ka namang gumamit ng teleportation spell Ivion?" sabi niya.

"Tama ka... Pero noon 'yun nung nasa akin pa halos lahat ng kapangyarihan ko. Binawi kasi ni ama ang halos nasa kalahati ng kapangyarihan ko kaya gano'n... Even my sword is not here..." sabi ni Ivion.

"We can flyover right?" sabi ni Anaria.

"Except for me..." hirit ni Wendy.

"Yes, we can do that but... What if may nakahanda silang patibong?" sabi ni Ivion.

"Let me handle this sh*t" sabi ni Tronium at pumagitna.

Agad niyang ipinasok ang kanyang kamay at tinunaw ang lock gamit ang nagbabaga niyang mga kamay.

Pagkatapos nito ay pumasok na nga sila at tumigil sa harap ng isang gusali na sa palagay nila ay ang principal's office. At sa tingin din nila ay nandito si Principal Knight ngayon kasama si Mr. Dortle hawak-hawak si Elise.

"Lumabas ka riyan at labanan mo kami! Nandito kami para bawiin ang babaeng hawak mo! Magpakita ka!" sigaw ni Ivion na para bang galit na galit.

Bigla namang nabasag ang napakalaking bintana ng gusali na para bang may bumasag nito mula sa loob gamit ang isang napakalakas na suntok at mabilis na nagkalat ang mga bubog ng salamin.

Biglang nagpakita si Principal Knight na lumilipad suot ang isang kakaibang costume na may kulay kahel na magarang kapa.

Biglang nagpakita si Principal Knight na lumilipad suot ang isang kakaibang costume na may kulay kahel na magarang kapa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
THE MYTHMEN REBORN TWO: NEW REBORNERS (CSU SERIES #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon