Six Months After...
-Athena
Anim na buwan...anim na buwan ang lumipas..anim na buwan ang ginugol ko upang gumaling ang mga sugat at pilat sa loob at labas ng katawan ko.anim na buwan ang ginugol ko upang makabisa ang bawat kilos at galaw ng tunay na Athena Evangelista.anim na buwan ang ginugol ko upang makilala ko ng husto ang mga mahahalagang tao sa buhay ng tunay na Athena...
at anim na buwan ang ginugol ko upang ang dating Athena Imperial ay tuluyan ng mabura at mapalitan ng bagong Athena Evangelista..
Madami ang nangyari sa anim na buwan na lumipas..sa anim na buwan na yun ay nagbago ang mukha at estado ko sa mundong ginagalawan ko.nagbago ang pakikitungo ng mga tao sa paligid ko..halos lahat nga ay masasabi kong nagbago..dahil ang dating respeto at pagtanggap na katangi-tanging pinapangarap ko ay nagkaroon na ng katuparan sa pamamagitan ng pagbabago ng aking anyo..
Di ko lubos maisip na matutupad ang lahat ng pinapangarap ko..di ko lubos maisip na ang dating pangit noon ay tinitingala na ngayon dahil sa kagandahan nito ngayong anyo..
-------------------
Kasalukuyan akong naghahanda para sa kauna-unahang paglabas ko sa publiko bilang si Athena Evangelista.gumising pa ako ng maaga upang makasigurado na magiging maayos ang lahat sa unang araw ko sa eskwela...oo,nakabalik na ulit ako sa kolehiyong pinapasukan ko noon..nakabalik na ako sa kolehiyo na kung saan ay madami akong mga malulungkot na alaala..mga alaala na pilit ko pa ding binubura.mga alaala na papalitan ko ng mga masasayang alaala..
"Athena. ready ka na ba sa unang araw mo sa school??nakangiting tanong ng mama ko sakin...
"Ready na ko ma..napabuntong hininga ako habang sinasabi ko un..
"Don't be nervous Athena..you know that everybodys excited to see you..its been six months since your friends had seen you..biglang singit ng papa ko habang hawak nya ang isang dyaryo at tila ba binabasa ito.
"naninibago lang ako siguro pa..nag-aalangan kong sagot sa papa ko..tama nga ang papa..anim na buwan na nga ang lumipas.anim na buwan na din akong di nakatutungtonf sa kolehiyong pinapasukan ko.at anim na buwan na din na pilit kong iniwasan na makita ng mga kaibigan ng tunay na Athena ang bagong Athena sa katauhan ko.
Sapat na siguro ang anim na buwan ng pananahimik at pag-iwas ko.sapat nanga siguro ang anim na buwan paraagpakita na ako ngayon s publiko at harapin ang buhay na pinapangarap ko..
"Athena..nakahanda na ang kotse na maghahatid sayo papuntang school..nakangiting singit ni mama kay papa..
Napatingin ako sa mamahaling relo na suot ko upang tingnan ang oras..may bente minutos pa akong natitira bago magsimula ang unang klase ko..agad na akong nagpaalam kina mama at papa..
"Alis na ko ma..sabi ko.sabay halik sa kanyang pisngi..
"Alis na ko pa..dagdag ko pa..sabay tayo sa aking upuan at sinabit ko sa aking balikat ang sling hermes bag na bagong bili ni papa galing pa sa amerika.
Pagkatapos kong magpaalam kina mama at papa ay agad akong sumakay sa Volvo v70 na maghahatid sa akin papuntang school..
Makalipas ang sampung minuto ay nakarating na din ako sa school..dahan dahn akong bumaba at mabilis ang pagkabog at pagtibok ng puso ko.
.
Huminga ako ng malalim pagkababa ko ng sasakyan..
"inhale..exhale..sabi ko habang marahan ang paglakad ko papuntang gate..
Pagtapak ko palang sa sementong kinatatayuan ko ay sinalubong agad ako ng mga ngiti galing sa mga taong nakakakilala sa mukhang suot ko..ramdam ko ang respeto at paghanga nila sa katauhan ni Athena Evangelista..ramdam ko ang pagtingala nila sa akin sa mga sandaling iyon..at sa mga sandaling iyon ramdam ko ang buong buo nilang pagtanggap sa akin dahil sa kagandahan kong anyo..napangiti ako bigla at kumaway sa kanila..habang isa isa nila along kinukumusta at winiwelcome ulit..sa mga sandaling iyon nakalimutan ko ang lahat ng pangungutya na naranasan ko noon sa kanila.
Pagkatapos kong makipagkamustahan sa mga taong di ko kilala..paalis na ako ng biglang may umakbay sa balikat ko..
"Babe..bulong nya sa tenga ko..sabay hawak sa kamay ko..namiss kita..
"La...Lanccce?!nabubulol kong sabi sa kanya...habang ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko..
"di mo ba ko namiss?pabiro nyang sabi.nakakunot ang mga kilay nya na tila ba nagtataka..
Wala akong masabi sa mga oras na yun.pakiramdam ko ay biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo..pakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat..pero hindi totoong nangyayari to..nasa harapan ko nga si Lance Buenavista...the school quarterback soccer player...
A.K.A. crush ng mga halos lahat ng college girls population sa East College University..Slash boyfriend ko?!
"May dumi ba sa mukha ko?nagtataka nyang tanong sa akin habang iwinawagayway nya ang kamay nya sa harapan ko..
"uhmm..wala..i just missed you..pagsisinungaling ko..
"Namiss din kita...sobra!!..nakangiti nyang sagot..
"Tayo na..hatid na kita sa unang klase mo..bigla nyang alok sa akin..
"ok..matipid kong sagot kay lance..
Di ko na nagawang magpaalam sa mga kausap ko kanina.nakalimutan ko na na anduon din pala sila..i was too consumed by Lance presence to the point na i forgot how to act as a real athena evangelista...i was so overwhelmed by his presence...i was so overwhelmed sa mga magagandang nangyayari sa buhay ko ngayon.pero di ko pa din maiwasang itanong sa sarili ko ang mga tanong na naguugnay sa totoo kong pagkatao..di ko pa din maiwasang itanong sa sarili ko ung mga tanong na..kung si Athena imperial ba na pangit ang kaharap nila kanina..sasalubungin ba nila ako kahit ngiti man lang..o baka sasapubungin pa din nila ko ng pangungutya gaya ng dati nilang ginagawa..
BINABASA MO ANG
Borrowed Visage(Completed)
Fanfiction"My face is borrowed so was my identity...but i choose to live with it..because its the only thing that makes me feel alive".. -Athena Imperial