Sham's POV:
Hindj ko alam kung paano ko nagawang lumayo sa kanya matapos ang nangyari sa amin. Yung paulit ulit na nangyari sa amin. Sobrang lasing ba yung mga kasama namin at hindi man lang sila nakahalata? Nagawa pa namin yung ituloy yun sa isang kwarto matapos namin sa cr. Kasi akala ko nung lumabas ako sa cr at iwanan siya. Ok na. Tapos na. Yung pagkakamaling nagawa namin hanggang dun lang. Pero kasunod ko pala si Six. Hinila niya ako sa isang kwarto at muling naglunoy sa bawal na pagniniig.
Ilang araw na nga ba ang lumipas? Hindi ko alam kung paano siya iiwasan. Tuwing lumalapit siya sa company. Yung simpleng akbay na ginagawa niya dati may kung anong init na ang dulot sa aking pagkatao. Hindi ko siya magawang tingnan ng diretso kasi bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari sa akin. At patuloy lang akong inilulubog sa isang damdamin na alam kong walang katugon simula pa lang.
"Sham.."
Busy ako noon sa harap ng computer ko. Malapit na kasi ang audit kaya may tinatapos akong report. At kahit hindi siguro ako busy magpapakabusy ako para lang hindi ko siya mapansin. O magkaroon ng pagkakataon na makalapit siya sa akin.
"Six.. kung ano mang nagyari sa atin doon sa resort hanggang doon lang yun. Kalimutan mo na yun."
Pero kagaya ng dati aakbay lang siya sa akin. Wala namang masama doon kasi sanay naman ang mga katrabaho namin na ganun kami kaclose. Pero ang problema ko ay ang sarili ko. Ayaw ko na. Hindi maari na makipaglapit pa ako sa kanya. Baka katulad nung nangyari sa amin baka hindi ko na naman mapigilan ang lahat.
"Hindi pwede. Hindi mo maaring kalimutan yun agad agad. Yun ang una mo Sham"
Medyo lumayo ako ng kaunti sa kanya. Yung paraan ng pagbulong niya. Nakakapanghina ng tuhod. Hindi ko pa din siya magawang tingnan.
"Six hindi porket ikaw ang nauna. Ikaw na ang may karapatan sa akin. Tama na yung pagkakamali na yun. May asawa at anak ka na. Sila na lang ang pagtuunan mo ng pansin"
Sinave ko na lang ang ginagawa ko. At iniwan ko na lang siya. Hanggat maari kailangan kong lumayo sa kanya.Hindi pala KAILANGAN.. Dapat pala akong lumayo sa kanya.
Halos buong linggo ko siyang iniwasan. Ang pangit lang kasi pati yung Friendship mukhang mawawala din. Bakit nga ba nagpadala ako sa kapusukan niya? Bakit ba ang hina hina ko nung gabing yun? Dati naman napipigilan ko sa mga naging boyfriend ko pero bakit pagdating kay Six bakit ang bilis bilis kong magpaubaya?
Ayaw kong makigulo. Ayaw kong manira ng pamilya. Sabi ko nga wala sa listahan ng pangarap ko ang maging kabit. Hindi kailanman sumagi sa isip ko dati na gagawin ko yun. Na papasok ako sa sitwasyon na alam ko na talo ako. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakaiwas sa kanya kung araw araw ko siyang makikita. Akala ko sapat na iniiwas ko ang sarili sa mga lalaki. Akala ko matapang na ako ng lagay na yun. Pero MARUPOK pala ako. Nakakainis.
Dahil sa kakaiwas ko sa kanya. Hindi ko namalayan ang oras. Kaya halos gabi na ako nakalabas sa company. Makalipat na kaya? Hindi pwedeng ganito lagi. Nakakapagod. Nakakapagod ang umiwas. Nakakapgod ang mag isip. Bakit ba yung isang gabing pagkakamali bakit kailangang maapektuhan lahat?
"Akala ko wala kang balak umuwi"
Pagkalabas ko andun na si Six na nakaabang. Bago pa man ako nakakilos nahila na niya ako papasok sa sasakyan niya.
"Hindi mo ako pwedeng iwasan Sham.. Oo may asawa ako. Pero hindi ko din alam kung bakit ganito. Bakit hindi ka mawala sa isip ko"
"Init lang yan ng katawan"
Pumikit na lang ako. Inilagay ang headset ko para hindi ko marinig ang lahat ng sasabihin niya. Hindi pwedeng mahulog ako sa mga salita niya. Hindi pwede ang lahat ng ito.
_casper_
---------------------------------------
Hanggang Chapter 10 lang siguro ito. Mahirap isulat hahaha masakit sa puso hahaha