Chapter Eight

13 2 0
                                    

8: Photograph

Nagising ako sa mabibigat na katok mula sa labas ng aking kwarto.
"Aspen!" napabalikwas ako ng sumigaw na si manang.

Agad agad kong binuksan ang pinto at kusot matang bumungad sakin ang nakakunot nyang noo.
"Jusmeyo kang bata ka, kelan ka pa naging tulog mantika?" hindi ito pasigaw pero alam kong galit na si manang.

"Anong oras na ho ba?" nakabusangot kong tanong.
"Ay alas dyes y medya palang naman ng tanghali iha" sarkastiko nyang sagot.
Natahimik ako.

Sobrang tanghali na pala.

"Mag ayos ka na dyan at bumaba ka na pagtapos. May dumating na package kanina, binili mo daw ata" nagliwanag ang mukha ko sa narinig.

I'm hundred percent sure na yun na ung painting na binili ko. Naghilamos lang ako at nagsipilyo bago nagmamadaling bumaba.

Pagpasok ko ng kusina ay agad kong napansin ang di kalakihang kahon na nakasandal sa ref sa dulo.

Agad ko itong nilapitan at chineck kung ito ba talaga ang aking hinihintay. Isang malaking ngiti ang bumalatay sa mukha ko ng makumpirma nga ito.

Sinita ako ni manang at sinabing unahin ko muna ang pagkain. Marahil naiinis parin sya sa nangyari kanina.

Pagtapos kong mag almusal ay agad akong umakyat sa kwarto bitbit ang nakakahong painting.

Masaya ko itong binuksan at marahang isinabit sa aking dingding.
I love how it suits my room's wallpaper.

I spend the whole day just staring at it.







Umaga ngayon kaya dumiretso ako sa lugar kung saan laging naka pwesto ang karo ng sorbetes ni Caspian.

Pero pagdating ko don talagang karo lang ang nakita ko at wala ang tindero nito.

Ano naman kaya ang trip ng lalaking yon at iniiwan ang paninda nya?

Nagpalinga linga ako at baka nasa sulok o tabi tabi lang ang mokong na yun.

"Boo!" napatili ako sa gulat habang tawang tawa si Caspian na syang gumulat sakin.

He's holding a camera and I'm sure he's recording a video.
"Siraulo ka talaga! Idelete mo yang video na yan ah" mataray kong saad.

Iiling iling lang sya habang nakangiti.
"Ang epic ng mukha mo don" di ko nalang sya pinansin dahil may dumating na customer kaya ito ang pinagtuunan ko ng pansin.

Sa ilang oras naming pagtatambay doon ay naka ilang kain ako ng ice cream. Pag kasama ko ang lalaking toh, tumatakaw ako.

Naiinis pa ko dahil bawat round ko ng pag kain ay vinivideo nya o di kayo kinukuhaan ng litrato.

"Tigilan mo na nga yan Caspian!" iritado kong saway sakanya.
"Ang ganda kaya" tawa nyang saad. Umirap lang ako at pilit na hindi sya pansinin.

"San mo ba nakuha yan?' tanong ko patungkol sa camera na nakasabit sa leeg nya.

"It's a gift from my grandpa. Matagal ko na ding hindi toh nagamit kaya natutuwa lang ako na gumagana pa sya" napatango lang ako sa sinabi nya.

Napatingin sya sa paanan ko kaya napatingin din ako don.
"Buti naman di ka na naka sandals" tama sya, sa pagkakataong ito ay naka rubber shoes naman ako na tinernuhan ng puting off-shoulder at itim na shorts.

"Hindi na ba masakit ang paa mo?" sa totoo lang wala nang kirot o hapding nararamdaman ang kahit alinman sa paa ko at alam kong dahil panaginip lang naman ang nangyari nong gabing yon.

Alam kong pag nilabas ko din ang aking paa ay walang paltos na naka band aid ang bubungad samin.
Sinabi ko nalang na medyo makirot pa para magmukhang kapani paniwala.

Dumating ang oras na dumagsa ang customer ni Caspian kaya inisnatch ko ang camera nya at ako ang gumamit nito habang abala sya sa pagsisilbi sa mga customer.

I photograph random scenarios. May nakita akong mataas na puno na nasisinagan ng araw ang bahagya sa mga dahon nito.

I saw a cute dog wandering around so I followed it and took a picture. Natawa nalang ako sa mga pinaggagawa ko.

Then when I looked back at Caspian's direction, I saw the most beautiful scenario among all of this.

Nakayuko sya, katamtaman lang upang masilayan ko pa ang magaganda nyang ngiti. I clicked the camera.

He looked up and he saw me taking him a picture so he smile as if letting me to take the most beautiful photo of him.

Parehas nalang kaming napailing habang tumatawa ng matapos ko syang kuhaan.

Naka film pa ang camera na ito kaya otomatiko kong tinatabi ang mga nagdedevelop na picture para mamaya ibibigay ko toh kay Caspian.

Paglapit ko sakanya ay halata na ang pagod sakanya. Pawis na din sya pero mas nagmumukha syang kaakit akit dito.

May nakapa akong panyo sa likod ng bulsa ko kaya hinugot ko ito. Lumapit ako kay Caspian at marahang pinunasan ang mga pawis nyang dumadaosdos mula sa kanyang noo.

Natigilan sya sa ginawa ko at napatitig lang sakin. Nakatingkayad ako para maabot ang mukha nya kaya medyo nakakangawit ang ginagawa ko.

I gather the strength to meet those mesmerizing eyes of him that stares at me admiringly.

I love the way he looks at me. It makes me feel the most special girl in the world.

Sinoli na ni Caspian ang karo ng sorbetes sa bahay ng may ari nito at pagbalik nya ay tumambay muna kami roon.

Walang humpay sa pagkuha ng litrato ang lalakeng kasama ko sa mga maliliit na bagay na nagagandahan sya.

Habang ako napapailing nalang. I didn't know Caspian likes to take photos.

Nakatalikod ako nang maramdaman ko sya sa likod ko.
"Ang ganda ng paligid oh" rinig kong saad.

"Pero mas maganda tong binibining nasa harapan ko" saktong paglingon ko sakanya ay tumambad sakin ang camera.

Di ko alam kung maiinis ba ko o matatawa sa mga paandar nitong lalaking toh.

Hanggang sa may napadaan na babae. Huminto sya sa mismong tapat namin ni Caspian kaya naibaba nya ang camera.

"Maari ko ba kayong kuhaan ng litrato?" nagulat kami sa aming narinig.
This lady looks way older than me, maybe in her early or mid 20's. Maputi rin ang balat nya, itim na itim ang unat nyang buhok at balingkinitan ang kanyang pangangatawan.

"Ayos lang ho ba?" tanong ni Caspian.  Napalingon ako sakanya at binigyan sya ng nagtatanong na tingin.
Wag mong sabihin na magpapakuha talaga sya ng litrato namin?

Tumango ang babae at inilahad na niya ang camera sa babae.
Lumapit sya sakin at bumulong sa tenga ko, "Ngiti ka nalang, wala eh nagwapuhan siguro sakin"

Dahil sa sinabi nya ay napangiti ako, nakapatong ang kamay ni Caspian sa kanan kong balikat na tila inaakbayan ako, kasabay non ang pag click ng camera.

That was the most beautiful and precious photograph I had for the rest of my life.

***

When I Fall Asleep (Completed)Where stories live. Discover now