chapter 10

144 11 0
                                    

Yohan's POV

Kanina pa akong hindi mapakali sa kinuupuan ko. Panay ang sulyap ko kay  Shey. Napapansin ko kaseng kanina pa ito pinagpapawisan samantalang malamig naman ang aircon ng silid.

"Hey! Okay ka lang ba prinsesa ko. Nag aalalang bulong ko dito.

"O-oo, okay lang ako. Mahinang sagot nito na bahagya pang nagulat.

"Are you sure? Pwede akong magpaalam para maihatid ka n pauwi.

"No im okay,.

"Okay, sinabi mo eh. Sabi ko saka muling itinuon sa unhan ang aking atensyon. Pero hindi parin talaga ako mapalagay. Pakiramdam ko may hindi tama.

Ilang saglit pa ay natapos narin ang aming pang umagang klase. At dahil nahihirapan maglakad ang aking prinsesa ay nagpabili nalang ako ng lunch namin kina Sky at Lander. Dito nalang kami sa room kakain.

"Here, eat". Sabi ko sabay abot ng pagkain sa kanya.

"T-thank you, pero hindi mo naman na kailangan mag abala pa". Mahinang sabi nito.

"Asus, ano ka ba, hindi ka naman abala sa akin, masaya akong pag silbihan ka".
Sagot ko dito.

Sobra ang tuwang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko akalain na ngayon ay lumalambot na ang puso ni Khen. Hindi na ito katulad ng dati. Walng emosyong mababasa sa mukha. Palaging nagsusungit at walang kinakausap. Masaya ako na sa wakas, sinusubukan na nitong buksan ang puso niya.

"Kumain ka pa", sabi ko ng mapansing ibinaba na nito ang hawak na kutsara at tinidor.

"Ayoko na busog na ako". Sagot nito.

"Pero konti palang nakakain mo pano ka nabusog. Sige na, kahit yung half lang". Pamimilit ko pa dito. Saka ibinalik ang kutsara sa kamay nito. 

Pero nagulat ako ng hawakan ko ang kamay nito.

"Mainit ka!. Sabi ko saka sinalat ang nuo nito gamit ang palad ko. May lagnat ka!. Halika dadalhin kita sa uspital. Nag aalalang aya ko dito.

"Okay lang ako, simpleng lagnat lang to" nakangiting anito. "Gosh bakit ka ngumingiti"

"Ihahatid na kita sa inyo". Pangungulit ko pa dito.

"Hindi na, okay lang ako".

"Are you sure? Namumutla ka eh, ah, teka wait gamot may gamot ako dito sa bag". Sabi ko saka natatarantang binuklat ang bag ko at hinanap ang paracetamol na pabaon sa akin ni Mommy.

"Here, take this. Buti nalang palaging may pabaon si Mommy sakin na gamot.

"Salamat,

Matapos niyang inumin ang gamot na binigay ko ay ako narin ang nag ligpit ng pinagkainan namin, at hinayaan ko lang siyang magpahinga.

"Shey, tawag ko dito.

"Bakit, sagot nito na hindi manlang ako nililingon. Abala ito sa kung ano mang sinusulat nito.

"Are you sure you're okay?

Lumingon muna ito sa akin saka nakangiting sumagot.

"Yeah, effective yung gamot mo thanks".

Gusto kong magtatalon dahil sa tuwa at sa kilig! Grabe! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Woah! Puso kumalma ka kalma!! Hahahaha.

"Buti naman kung ganon prinsesa ko".
Sabihin mo lang kung gusto mo ng umuwi sasamahan kita.

"Tsk! Ang kulit!.anito pero hindi naman sa paraang galit.

"Prinsesa ko,

"Ano nanaman?

Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon