Chapter Nine

14 2 0
                                    

9: Caspian

Kasalukuyan akong nasa kwarto at nagbabasa ng libro ng pumasok si mom.

May bitbit syang maliit na paper bag at umupo sa tabi ko.
"Hey honey, di ka pa matutulog?"

Tiniklop ko ang libro at tinabi ito bago pinagtuunan ng pansin ang aking ina.
She's still wearing a blue formal dress kaya baka kauuwi lang nila ni daddy galing either opisina o business meetings.

"What's that?" hindi ko sinagot ang tanong nya, imbes ay siniyasat ko agad ang laman ng paper bag.
She gave it to me and I open it curiosly.

"I bought you a new alarm clock" I felt disappointed somehow.
"Nakwento sakin ni manang na tinatanghali ka na ng gising this fast few days kaya baka hindi na gumagana ang alarm clock mo" I simply nod and place the digital alarm clock back to the paper bag.

"Oh what is this beautiful thing?" napatayo sya at lumapit sa direksyon ng painting.
Napangiti ako. I'm glad she noticed it.
"It's a painting of the Caspian Sea"

Tiningnan nya ko ng may parehong pagkamangha at pagtataka.
"When did you start liking paintings?" I shrugged.

I never did like paintings nor arts.  Just this one, this one is an exemption.



"Anong gusto mong gawin ngayon?" magkatabi kami ni Caspian habang nakaupo sa baitang ng porch ng bahay nya.

Actually wala akong gustong gawin ngayon kundi manatili sa tabi nya. I wanna feel his presence as if it a necessity.

"Gusto mong mag bisikleta?" umiiling akong napatingin sakanya.
"Hindi ako marunong" nakabusangot kong saad.

One of my insecurities is that I can't learn how to ride a bike no matter how hard I try. I always end up getting wounded dahil pag nawawalan na ng balanse ang bike ay tumatalon ako rito at bumabagsak sa lupa.

How ridiculous of me.

"Edi turuan kita" napaisip pa ko don.
"Ano, game?" tumayo na sya at binigyan ako ng nangaayang tingin.
Napangiti ako. As if naman may choice pa ko. Kahit ano namang gawin basta kasama sya panigurado mag eenjoy ako.

Nawala sya sandali at umikot sa likod ng bahay. Paglabas nya may dalawa na syang ginigiya na bisikleta.

Nagpapasalamat ako na hindi ito 'sing taas ng mountain bike. Kundi baka hindi na talaga ako matuto habambuhay.

Nauna syang lumabas at sumunod ako.
Kung tutuusin maiinit dahil nasa mga pagitan ng alauna hanggang alastres ang oras ngayon. Pero dahil nga mapuno ang lugar na ito, malilim ang kabuuan ng kalsada kaya walang problema ang init ng araw.

"Sa pagbibisikleta, isang bagay lang ang dapat mong aralin" sinandal nya ang isang bike sa gilid.
"Balanse. Balanse ang nagpapatakbo sa bisikleta. Kung wala ka non, babagsak ka at masasaktan"

Everybody knew that balance is the key.

"You wanna try first?" kahit nag aalangan pa ko ay sinubukan ko na itong sakyan at paandarin. I need to take a risk.

Nang makaupo na ko sa hindi kataasang upuan neto, maayos ko na ding nahahawakan at napipisil ang brake. Matangkad ako kaya abot ko ang sahig, anytime na mawawalan na ko ng balanse, tamang apak lang sa sahig para di matumba hehe.

"Gusto mo ba ng training wheels?" hindi ko alam kung nang aasar ba si Caspian pero ng lingunin ko sya ay bumungad sakin ang inosente nyang mukha na nagtatanong.

Training wheels? Tsk, ano ako? Bata?

Umiling ako at pinanindigan ang pagsakay ng bike kahit walang training wheels at kahit hindi ako marunong.

When I Fall Asleep (Completed)Where stories live. Discover now