Prologue

394 20 5
                                    

"May nagsusuntukan!"

"Saan?!"

"Sino?!"

"Isa raw yung miyembro ng 6X!"

"Tara! Puntahan natin!"

"OMG! Baka si Jackson myloves ko yon! Baka nasugatan siya!"

"Tingnan natin!"

Lagi nalang iyan ang mga naririnig ko kahit saan mang sulok ng eskuwelahan ako pumunta. As usual, sila yung mga fangirls ng 6X pero yung iba mga tsismosa't tsismoso lang na gustong makasagap ng balita.

Pero hindi sa lahat ng panahon ay iyan lamang ang mga naririnig ko, meron rin namang mga bad comments na galing sa mga haters nila at sa mga taong wala talagang pakialam sa kanila.

"Nakipagsuntukan na naman daw yung isang miyembro ng 6X"

"Ano bayan! Hindi na sila nagsawa sa pakikipag-away!"

"As usual, principal's office na naman ang bagsak nila."

"Hindi porket mga gwapo't sikat sila ay sa tingin nila sila na ang hari sa school na 'to."

"Nakakairita sila!"

"Sa tingin ko hindi sila naturuan ng tamang asal."

Oo, mga gwapo't sikat sila pero hindi nila ako fangirl at mas lalong hindi nila ako hater dahil ang isa sa kanila ay ang aking kababata.

Ikaw, tatanungin kita, kapag ang leader ng 6X na bad boy, manloloko, at walang ibang ginagawa kundi makipag-away ay nakipag deal sayo na maging boyfriend mo siya, anong gagawin mo? Tatanggapin mo ba o tatanggihan mo?

Ako kasi eh nangyari na iyan sa akin ng dahil lang sa isang pesteng claw machine.

~*~

Author's Note:

Second Got7 fanfic ko na ito! Sana maging successful at sana suportahan niyo po itong story na 'to! Kung hindi niyo pa bo nababasa ang first Got7 fanfic ko, try niyo yon, baka magustuhan niyo ^^

Wag pong kalimutang mag- Vote at Comment! Thank you~!

Date started: October 26

Date finished:

2014(c)

All rights reserved

-purplixtix18

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm with the Troublemakers [GOT7]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon