Chapter 16: ...
Nightmare.
Tama! Isa ‘yung nightmare! Imposible talagang si Damian ‘yon. Hindi nga niya ako matingnan ng diretso kaya bakit naman magiging si Damian ‘yun?
Pinagmamasdan ko ngayon na mataranta si Damian dahil mukhang may mga hinahanap siya. Gulong-gulo na nga ang buong bahay dahil sakanya. Ngayon naman nasa kusina naman siya.
“Jeling! Hindi pa ba hinahatid yung laundry?”
“Masasampal na talaga kita! Huwag mo nga akong tawaging JL sabi, e! Saka hindi naman tamang sa kusina hanapin ang nalabhang damit.”
“Wala na kasi akong masuot kahapon pa.” Dahilan nito.
“Pakialam ko? Edi umuwi ka sainyo.”
“Hindi pwede. Tumawag si lola kagabi. Sabi niya mag-eextend daw sila ng dalawang linggo.” Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Napahinto rin ako sa pagkain ko ng cereal dahil bakit sakanya sinasabi imbes na saakin?
“Ikaw ba ang apo? Laging ikaw ang tinatawagan! Dapat yata ay hindi na ako bumalik dito tutal nandito ka naman na tumitingin sa lola ko.” Gee. Nagmadali akong ubusin ang cereal at pagkatapos ay tumayo na. Pero imbes na umalis na ako ay humarap pa ako sakanya. Nakakapagtaka lang na kahapon pa siya parang nag-iba. “Hoy! Nagtataka lang ako, noong isang araw ay hindi mo ako matitigan tapos ngayon nakakatitig ka na saakin at hindi ka na rin nauutal.”
Nagkibit balikat lang siya at pagkatapos ay bumalik nanaman siya sa paghahanap ng kung ano man ang hinahanap pa niya. Lokong ‘to! Hindi man lang ako pinansin.
I can’t believe it! He’s ignoring a seductress! What the hell??? Is he even a man?
“Wala ka talagang kwentang kausap!” bwisit na bwisit kong sabi.
Pagkaakyat ko ay napansin kong bukas ang pinto sa kwarto ni Damian. Pumasok na ako tutal nasa baba pa naman siya. Nagkalat ang mga damit niya sa kama niya. Ibang-iba noong unang pinasok ko. Sobrang kalat talaga ngayon.
Pumulot ako ng ilang damit niya. Hindi pa naman gamit at maayos naman ang mga ito kumpara sa mga ginagamit niyang pamasok.
“Magdala ka nalang ng kahit ano.” Rinig kong sabi ni Damian. Malamang may kausap siya sa telepeno. “Sige na. Basta kahit anong hindi maayos.” Sabi pa nito. Wirdo bakit naman hindi maayos ang ipapadala niya? “Aish! Daming arte ng batang ‘to.”
Nakatayo lang ako sa kwarto niya nang pumasok siya. Hindi naman siya nagulat, napakamot lang siya ng ulo niya na para bang isa ako sa mga nagkalat niyang damit.
Leche! Mapanot sana siya!
“Sabi mo wala kang maisuot.” Umpisa ko dahil mukhang wala siyang balak na pansinin ang kagandahan ko.
BINABASA MO ANG
Not So Boy Next Door (COMPLETE)
ChickLitIf you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz