"Where are you going, Jade?"
Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya. "Somewhere that you'll not be able to find me, Rain."
"Somewhere?" He asked. "Please, don't leave me. Don't you dare go anywhere without me."
"Bakit naman hindi kita pwedeng iwan? Did I gave you the privilege to rule my decisions? Hindi naman, di ba?"
"N-no. Please, d-don't say that."
Mabilis itong naglakad patungo sa akin at sa isang iglap ay nakakulong na ako sa kanyang bisig.
Being with him feels like home but I can't stay with someone who has a home already. Lolokohin ko lang ang sarili ko kung isisiksik ko ang sarili ko sa isang lugar na hindi para sa amin, sa akin.
Unti-unti akong bumitaw sa kanyang pagkakayakap at hinalikan siya sa kanyang noo bago patakbong umalis.
"Jade! Be with me instead! Be with me!" I heard him shouting that line repeatedly while I'm running away.
Dahil sa kanyang mga alaala ay ako ang unti-unting namamatay habang tumatakbo.
I shouldn't have stayed longer. His memories started haunting me and because of his death, I became a prisoner of my own thoughts. And I also lose my sanity.
If only I was free of memories after his death...
If only...
"Time for your medicine, ma'am." Nurse Pat told me. "Matutulog na rin kayo ni Rain pagkatapos mong uminom ng gamot."
"Alright. But please don't tell Rain that I'm drinking meds, ha? I don't want him to be worried kasi." Nag-aalala kong sambit.
Rain will be worried if he'll see me drinking medicines. I don't want my boyfriend to be worried about me.
"Opo, ma'am." She smiled.
After drinking the medicines, I smiled at the nurse. "Good night po. Pakisabi kay Rain na just visit me tomorrow."
"Sure po. Good night, ma'am."
---
Pagkalabas ng nurse ay agad niyang tinawagan ang ina ni Jade. Nakadalawang ring bago nakasagot ito.
"Hello, Mrs. Medina? Si Nurse Pat po ito."
"Hi. How's my daughter?" Bakas sa tinig nito ang pag-aalala.
Hindi nakaabot sa visiting hours ang ina ni Jade Medina dahil sa kung anomang dahilan nito. Naalala niyang tawagan si Mrs. Medina dahil pinakiusapan siya nito na tumawag kapag may pagkakataon na hindi siya nakabisita.
Sa loob ng dalawang taon, kinakaya ni Mrs. Medina ang nangyari sa anak kahit kung minsa'y sumusuko na siya.
Sino ba namang hindi maiisipang sumuko kung ang sarili mong anak ay nagkasakit sa isip dahil hindi nito natanggap na namatay na ang nobyo nito?
"Is she getting better?" Muli pang tanong ni Mrs. Medina nang hindi nakarinig ng sagot mula sa nurse.
Napatingin naman ang nurse sa kanyang kapwa nurse bago sagutin ang ina ni Jade. Naglakad na rin muna silang dalawa papunta sa desk at nakitang nakatingin na rin ang tatlo pang nurse sa kanya.
"Hinahanap niya la rin po si Rain. I'm sorry, ma'am. Mukhang mas matatagalan pa po siya dito. Kanina din po kasi ay nung hindi niya nakita si Rain ay nagwala siya. Tumakbo po siya hanggang sa gate pagkatapos..."
"Tapos?"
Parang mabibilaukan ang nurse dahil kahit hindi niya kamag-anak ang mag-inang Jade at Leona Medina, alam niyang masasaktan ang ina nito kapag narinig ang nangyari kanina.
"N-nakalabas po siya dito at muntikan na po siyang masagasaan." Nurse Pat heard Mrs. Medina gasped. Nagpatuloy siya. "At nung naligtas na po namin siya, she started crying. Then she suddenly laughed. Paulit-ulit niya pong kinakausap ang sarili niya habang pabalik kami. Ngayon lang din po bago siya makatulog, she's hallucinating. Kanina po kasi may kinakausap siya and she thought Rain is in front of her"
"T-teka, Nurse Pat. Bakit hindi ko ito alam? B-bakit bigla na lang tumatawa ang anak ko? Di ba dapat umiiyak lang siya n-nung muntikan na siyang masagasaan? Bakit natawa siya? Bakit kinakausap niya ang sarili niya?" Naguguluhang tanong ni Mrs. Medina.
"Natatandaan niyo po ba na one month din po namin kayo hindi pinapunta dito?"
"Yes. What does it mean?"
"Kasi po under observation po siya. And her doctor found out that aside from bipolar, she developed Schizophrenia. But we started giving her medicines for Schizophrenia last week po. I'm sorry po, ma'am. We---"
Hindi na natuloy ni Nurse Pat ang pagsasalita nang marinig ang hagulgol ng ginang sa kabilang linya. Muli silang nagkatinginan kasama ng kapwa niya mga nurse at nagpahid ng kani-kanilang mga luha.
Sanay na sila sa ganitong mga sitwasyon pero si Jade Medina ang pasiyente nilang pinakamatagal na na-admit sa ospital kaya ganon na lamang sila naapektuhan. Alam nila ang sakit na nadarama nito. Ang dating depression ay nadagdagan ng bipolar disorder hanggang sa napansin nilang tumatawa na din itong mag-isa. Pati na rin ang pagkausap nito kay Rain, na siyang wala naman talaga.
At alam ni Nurse Pat ang nararamdaman ng ina nito ngayon. Napag-usapan na kasi ng mga ito nung isang buwan na lalabas na sana si Jade kaso may nag-iba. Kaya naiintindihan nila ang nararamdamang emosyon ni Mrs. Medina ngayon.
"End the call, Nurse Pat. Let her mother cry. Just call her the day after tomorrow."
Napalingon silang limang nurse sa nagsalita. Agad siyang tumango sa sinabi ng doktor. Pinatay na niya ang tawag. Ngumiti lamang ito ng tipid at tinapik siya pagkatapos ay iniwan na sila.
A/N: HI! When the pandemic started, I heard that a lot of people started developing anxiety and other mental illnesses. Always remember na, walang mukha ang sakit. Anyone can have a mental illness. So please, take a good care of your mental health.
Keep safe and God bless everyone! ❤