Chapter 35 - The Day after 40th

1.6K 100 50
                                    

"Para akong nasa loob ng isang mahabang panaginip

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Para akong nasa loob ng isang mahabang panaginip....

Yung tipong gustuhin ko mang magising ay di ko magawa...

Hinahatak ako pababa, sa isang malaking kumunoy ng kalungkutan...

At yung sakit, nakakamanhid narin...

Na pati buhos ng ulan ay di mo na maramdaman, di mo na marinig...

Dahil sa iyong paglisan na di ko napaghandaan...

xoxoxoxo

Dio Mondragon

Month's later, July 20xx

Prime Corals Residences

Nasa kusina ako noon at inaantay na ma-sterilize yung mga bottles ni Baby D. Nagpe-prepare kami para sa monthly check-up niya. Naririnig ko ang pag-iyak ng baby namin.

"Hon, ok ka lang diyan? Kanina pa yan umiiyak" sigaw ko.

"Hay naku Dio, di ka na nasanay. Lagi naman itong umiiyak pag naliligo, takot sa tubig"

Ngumiti nalang ako.

Kinuha ko na ang mga bottles at nilagyan ng tubig, nagsalin narin ako ng gatas sa lagayan saka ko ito nilagay sa bag. Kumuha narin ako ng diapers, wipes at pamalit.

Totoo nga, ang hirap maging parent, pero masaya. Lumakad ako patungo sa kwarto at dun ko nadatnan ang dalawang babies ko. Kasalukuyan noon na nilalagyan niya ng diaper si Baby.

"Maligo ka na, para mabantayan mo na si Divo"

"Ok boss"

Divo Skylar Angelo ang pangalan ng Baby namin, cool right? Nakaka-recognize na siya ng mukha kaya natutuwa ako minsan pag ngumingiti siya sa akin. Nakakawala ng pagod.

Pumasok na nga ako at nag-shower, binilisan ko na dahil nga maliligo rin si Clay.

Nagpunas na nga ako saka ako nagbihis.

"Oh, maligo ka na. Ako na bahala dito sa baby boss natin" sumunod na nga ito. "Hello baby, gagala tayo ano? Bibisitahin natin si Tito-Ninong? Wag kang iiyak mamaya ha pag tinurukan ka niya"

Naka-kunot noo ito sa akin na para bang gustong umiyak.

"You hungry?"

At may naamoy akong kakaiba, gumagawa na pala ng stinky bomb ang aking anak.

"Grabe ka naman, kakapalit mo lang eh" nilinisan ko na nga lang ito saka binihisan ulit. Sinuot ko sa kanya ang bigay ng Tito-Ninong niya.

Matagal bago nakabihis si Clay, 8:30 na kami nakalabas ng bahay. Pagdating namin sa NMMC ay isa-isa ang lumalapit sa amin, tuwang-tuwa sila kay Divo.

One in a Million Chances (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon