Chapter 23: Someday

192 6 2
                                    

Eireen Pov.

Happiness is important to us but still there's a opposite behind that happiness. Pain and sadness. Pain that we will get to those people that really important to your life. Sadness because the presence of those people who has a biggest part of your life is gone. Nawala na lang bigla.

Minsan kasi nasasanay tayo sa presensya ng isang tao lalo na kung sanay ka na nariyan siya palagi. Sanay ka na kahit anong mangyari ay may maghihintay parin sa'yo but what if? One day bigla naglaho lahat? Nabago sa hindi mo malaman dahilan?

Paano kung yung taong palagi ka dinadamayan ay bigla nalang umalis? Leaving you without any word? Nakakainis noh? Minsan kung kailan pa tayo nasanay na may taong dadamayan ka e tsaka naman aalis.

Kanina pa ako gising pagkatapos ng mahabang gabi namin dalawa ni MJ. Alam ko mahirap ang sitwasyon namin dalawa but still we take the risk. Sumugal parin kami. Sumugal parin ako para sa amin dalawa. Pero kung kailangan ko sumugal para maranasan ang ganitong klaseng kasiyahan ay susugal at susugal parin ako.

Mataas na ang araw pero eto parin ako nakatitig sa mukha ng lalaking katabi ko. Kanina pa ako gising pero sobra yata ako napagod kagabi at ganito kasakit ang buong katawan ko. Sumilay ang ngiti sa labi ko ng bigla kumunot ang noo niya ng subukan ko kumawala sa  mga bisig niya. Hinaplos ko ang mukha niya at pinatakan ng halik sa pisngi.

" Gising na." malambing na sambit ko.

Iminulat niya ang isang mata niya at sumimangot sa'kin. " Later. " he said as he hugged me tightly. Napayakap rin ako ng mahigpit sa kanya." Kahit rin ako tinatamad bumangon. Ang sakit kasi." mahinang sambit ko.

Mabilis naman niya niluwagan ang yakap at yumuko para tignan ako. " Sorry. Still hurt?" tumungo ako. Napabuntong hininga siya at bumalik sa pagkakayakap sa'kin.

" Sorry hindi ko mapigilan ang sarili ko manabik sa'yo."

Mabilis na uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nang hindi mapigilan ang sarili ay kinurot ko siya sa tagalirin.

" Bastos ka talaga!" inis na sambit ko.

He laughed at me but I can feel his little kisses on my head. Sumiklab ang sobra sobra saya sa dibdib ko habang nakabaon ang mukha sa leeg niya. Hindi ko mapigilan ang saya sa dibdib ko lalo na hinayaan ako ang sarili ko sa manatili sa tabi niya. I know if someday kapag hindi parin kami nagkatuluyan sa huli. I will not regret this day that I gave myself to him. I love him so much kahit alam kong masasaktan rin ako sa huli.

Natahimik ako lalo na ang daming pumapasok sa isip ko na posibleng mangyari sa relasyon namin dalawa.

" Ano iniisip mo?" imik niya.

Humigpit ang yakap ko sa kanya. " Natatakot ako."  sambit ko pagkatapos ng mahabang katahimikan.

" Don't be. Nandito ako. Kasama mo ako lalaban." aniya at marahan na hinahaplos ang buhok ko.

Huwag ka mag-alala Jerome. Lalaban rin ako kasama mo. Pangako. Panatag ang loob ko na pagkatapos ng lahat na ito ay hinding-hindi ako nagsisisi na nakasama kita.

May ilang oras rin kami ang nanatili magkayakap sa isa't-isa hanggang sa napagdesisyonan na bumangon para magluto. Sa nagdaan taon ngayon ko lang ulit naranasan maging masaya.

Natigilan ako ng maramdaman ko ang mga braso niya yumakap mula sa likod ko. Pinatakan niya ng halik ang leeg ko na siyang nagpataas ng balahibo ko. Nilingon ko siya at mabilis niya ako hinalikan sa pisngi.

Napangiti ako sa ginawa niya tsaka umiling. " Salamat." aniya at pinatakan ako ulit ng halik sa leeg. Nilingon ko siya saglit at pinagpatuloy ang paggayat ng sibuyas para sa adobong manok. Kumunot ang noo ko bago nagsalita sa kanya.

Book Two [NPMOB] Naughty Princess Turned Ordinary Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon