Crescent Embracing the Star

58 2 0
                                    

Epilogue:

                Si Annabel Smith o kilala bilang “annie” ay galing sa napakayaman at napakarangal na pamilya. Kahit sila ay mayaman hindi sya maihahalintulad sa mga ibang mayayamang babae. Yung iba spoiled bratt, rebelde pag hindi nakukuha ang gusto, malandi, ginagamit ang yaman sa mga gustong makuha kahit na mali o kaya nakakasakit sa iba. Pero si annie ay kabaliktaran ng lahat ng ito. Sobrang matulungin sa kapwa at kung kumilos napaka simple. Nag aaral sya sa Willford University at dito nya makikilala si Alvin Torres. Sa una ay crush lang niya ito pero malalaman nya na may gusto pala sya kay Alvin. Pero ang hindi nya alam ay may gusto rin pala si Alvin sa kanya. Magiging sila at makikilala ni annie si Paris na kababata ni Alvin. Magmula pagkabata ni paris ay may gusto na sya kay Alvin pero ayaw sya ni Alvin. Mabait si paris pero kung sa pag ibig ang pag uusapan ay doon sya hindi magpapatalo. Dahil kay paris masisira ang relasyon nila Alvin at Annie. Dahil sa hindi pagkakaunawaan ni Alvin at annie ay pumunta si Alvin sa London para kalimutan ang mga mapapait na nakaraan. Naiwan si Annie sa Los Angeles kasama ang kaibigan ni Alvin na si Kenneth. Si Kenneth ay may lihim na pagtingin kay annie. Nagawa nyang mapasaya si annie ng mawala si Alvin sa tabi nito at nanjan sya palagi kung kailangan sya ni annie. Nang bumalik si Alvin sa Los Angeles dahil hindi nya magawang makalimutan si annie sa London dahil mahal na mahal nga nya ito. Gusto syang kalimutan ni annie at napagpasyang si Kenneth na lang ang mahalin ngunit hindi nya ito kaya dahil mahal na mahal nya pa rin si Alvin. Hanggang sa huli kahit na maraming pagsubok at gustong sumira sa relasyon nilang dalawa ay hindi na ito nasira at nabuwag pa.

                Masaya silang dalawa at walang makapipigil pa.

Crescent Embracing the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon