Tuwing nakaka-usap kita, 'yong galit nandoon pa pala.
Gusto kita patawadin, pero hindi ko magawa.
Hindi ako sanay mag tanim ng galit, may galit ako, pero galit ka din dahil dito.
Bakit? Ah, kasi hindi mo matanggap pagkaka mali mo.Kasinungalingan mo, at pang loloko mo. Kahit saang anggulo tignan, ginamit mo'ko, ang daming pagkaka mali mo.
Pero ako, aminado naman ako sa pagkaka mali ko. At 'yon ay hinayaan kita'ng gaguhin ako.Binuo mo nga ako, bakit pa? Eh sisirain mo din pala ulit ako.
'Yong mga gabing umiyak ako dahil sa'yo, mga gabi na wala akong tulog dahil sa kakaisip "deserve ko ba na ginaganito niya ako?", 'yong mga araw na napabayaan ko sarili ko dahil sobrang na saktan mo'ko, maibabalik mo ba mga ito?Tuwing kausap kita, parang okay lang tayo 'di ba? Pero habang tumatagal ang usapan, mga ginawa mo, maaalala ko bigla. 'Yong sakit, 'ando'n pa pala.
Maiiyak na lang ako bigla.May galit ka sa mundo, pareho tayo.
Sinubukan ko intindihin rason mo, kung bakit mo nagawa mga ito.
Pero, no'ng umpisa pa lang sinabi ko na sa'yo na "Ang galit mo sa mundo, 'wag mo ibuhos sa ibang tao" kaya ba't ako pa pinag laruan mo?Diyan ka ba masaya? 'Yong may nasasaktan kang iba? Porket, nagagago ka sa buhay mo, mang gagago ka na ng iba? Panay "sorry" ka, palaging sagot ko "okay lang, okay na" kasi nangyari na, may magagawa pa ba ako? Pero ako, okay lang ba? Bakit 'yong galit ko sa'yo, ayaw mong tanggapin? Sana maintindihan mo kung bakit 'yong "sorry" mo ayoko na din tanggapin.