Labing isang taon ang lumipas no'ng ikaw ay mang iwan.
Tapos biglaan, ikaw ay nag paramdam.
Umiyak ako no'ng nabasa ko mensahe mo, halo halong emosyon ang naramdaman ko dahil dito.
"May nanay na ulit ako" sabi ko sa sarili ko.Akala ko, ayos na. Akala ko lang pala.
Ikaw ay hindi nag babago pa.
'Yong rason kung bakit takot ako sa'yo 'yon pa din pala.
Wala pa din pala akong uuwian na ina.