Pa

222 3 0
                                    

Para sa unang lalaki na sinaktan ako,

Pa,

Bakit nag sinungaling ka kay kuya?
Bakit ang hilig mo mang pahiya?
Bakit noon, ako ang prinsesa mo, pero ngayon, sinasaktan mo na ako?
Bakit kahit kailan hindi mo nagawang sabihin sa'kin "Nak, proud ako sayo"
Tapos lalo mo pa ako'ng dina-down.
Hanggang sa huling hininga ko, hindi ko ba maririnig ito?

Kailan ba magiging tama sa paningin mo mga ginawa ko?
Kailan ba ako magiging perpektong anak mo?
Kailan mo ba mapapansin pag hihirap ko, na nasasaktan mo na ako?

Ay, may pake ka ba? Nagagawa mo nga akong i-down at pisikal na saktan 'di ba?
Humihingi ka nga ng patawad, pero kahit hindi mo na sabihin 'yon, ayos lang. Ama kita eh.

Pero sana... sana 'yong mga sinasabi mo, pag isipan mo naman. Ang bigat na eh. Malay mo...

Baka bukas...

Wala na ako?

Write, Cry, Breathe, Repeat.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon