Gabi gabi, umiiyak ako. Hanggang sa ako'y maka tulog.
May mga gabi nga na pati sa pag tulog ko, umiiyak ako.
Magigising ako na basang basa ng luha ang mga mata ko.Matatahimik ako bigla dahil biglaan ko lang din naalala mga masasakit niyong salita.
Biglaan kong maaalala mga kagaguhan na dinanas ko sa mga taong aking nakilala.Mapatawad ko man kayo, naka baon naman na sa memorya ko ang mga ginawa niyo. Nararamdaman ko pa din ang sakit na epekto nito.
Minsan... naiisip ko na, makakalimutan ko lang naman mga 'yon, pag wala na ako.
Hindi na nakakaramdam,
Hindi na nag iisip,
Hindi na humihinga.