Run [5]

477 16 0
                                    

Kinabukasan ay medyo late na ako nagising kaya aligaga ako nag handa ng mga gamit ko. Saktong alas nuwebe ay sinundo ako dito sa unit ko. Pagdating ko sa Mindanao ay dumiretso kami sa kompanya ng mga Mondragon. I have a meeting with their financial analyst. I have to cut our meeting kasi buntis yung kausap ko and she told me before hand na sinabi ng doctor nya na wag mag palipas ng gutom. At first she offered me to have lunch first but I insist on proceeding because I have limited time here in Davao. I gave her a thirty minute break at sa loob ng break na yun ay rineview ko yung mga kopya ng data na binigay nya saakin. Medyo nagkaproblema nung nakita ko na hindi nag meet yung expenses and liabilities. Unang tingin ko palang dun ay alam kong hindi ako aabot sa flight ko na alas kwatro. Nang bumalik na si Dina ay pinagpatuloy ko sya ng report nya at sa huli ay kwinestyon ko yung nakita kong problema. Pinatawag nya ang lahat ng clerk at inexplain ko naman ang problema at pinagawa sa harapan ko yung data. Makalipas ang tatlong oras ay natapos sila at isa isa kong chineck ang kanilang mga work sheet at kinumpara yun sa nakalipas nilang pinasa. Magaala sais na nung matapos ang lahat. Nag packed up na kami at binigyan ng warning si Dina at yung mga clerk dahil hinayaan nilang mangyare yun.

"Ma'am Ara nine pa daw po yung next flight papuntang Manila. Tinext ko na din po si Sir Marcos ma'am about our arrival" Tinignan ko ang orasan ko at quarter to seven pa lang. Hinulot hilot ko yung sentido ko.

"Thank you Christine. Do you want to have coffee?"

"Okay lang po ma'am." Yun nalang ang tanging sinagot nya saakin at tinugon ang tingin nya sa cellphone nya. Sinandal ko nalang yung ulo ko sa may upuan at pinikit yung mata ko para naman makapag pahinga na ako kahit saglit kasi sobrang sumakit talaga yung ulo ko sa nangyare.

"Ma'am Ara, nag text po saakin yung secretary ni Mr.Mondragon asking for a breakfast meeting tomorrow." Tinanguan ko lang sya. Tumayo na si Christine at pumunta dun sa counter para ipacancel yung flight namin.

"Ma'am sa may Orient hotel po yung breakfast meeting tomorrow and yun na din po yung binigay nilang accommodation saatin." Sumakay na kami ng taxi ni Christine at dumaan sa pinaka malapit na mall dun sa hotel naming para mamili ng mga damit, hindi naman kasi pwede na ito parin ang suot naming buong gabi at bukas sa meeting.

Pagdating ko dun sa hotel ay nag linis lang talaga ako ng katawan ko at natulog na. Kinabukasan ay nakipag meet kami kay Mr.Mondragon and he told me how thankful he is to me.

By twelve in the afternoon naka balik na kami sa Manila and I take the day off. Buong magdamag lang akong natulog sa unit ko. Gabi na nung magising ako sa ingay ng cellphone ko.

"Hello?" medyo iritado kong sabi.

"Sorry I should call later." Tinignan ko yung caller at si Thomas nga to.

"Don't you dare to hung up on me. Anong kailangan mo?"

"Chill okay you are making me nervous. I just like to confirm kung tuloy tayo bukas?"

"Bukas?"

"You know our date? But it's okay if you can't go"

"No, tuloy tayo" agad kong sabi sa kanya and he sighed in relief.

"Akala ko hindi na tayo tuloy kasi you are not answering my text and calls"

"I'm sorry I was busy and caught in a bad mood." Pageexplain ko sa kanya.

"Saan ba tayo magkikita bukas?" tumayo na ako sa aking pagkakahiga at binuksan ang ref para kumuha ng mga pwede kong lutuin dun.

"It's our date so I'll fetch you there sa unit mo just like the old times" nilabas ko yung mga gulay ko sa ref dahil mukhang malapit na silang malanta at yun na lang ang lulutuin ko.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Jul 16, 2019 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

What if ThomAra happened?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin