Untitled Part 1

87 1 0
                                    

Kakabreak lang namen ng girlfriend ko kaya naman naisipan kong pumunta sa Tagaytay para mag isip isip dahil sobra talagaakong nasaktan sa break up namin. Habang naglalakad lakad ako sa forest ay may nakilala akong babae, sobrang masiyahin nya,carefree, parang sa kanya ang mundo, ibang iba sya sa akin. Akala mo ay wala siyang iniisip dahil tawa lang sya nang tawa.Hindi ko napansin na nakatitig pala ako sa kaniya, kaya naman nag "hello," siya sa akin tiyaka lang ako bumalik sa ulirat."ay, hello! Sorry ah--" "I'm Sarah!""Oh, Sarah! Nice name.""And you are?""oh, I'm Clarence.""Clarence! Nice to meet you!" Tapos yun na! Dun na nag simula ang isang napamasayang araw sa buhay ko. Hindi ko alam pero para napakonektado naming dalawa.Kung ano yung trip nya susunod lang ako. Parang kahit san niya ako hatakin ay sige lang ako ng sige. Naalala ko pa nung nandun kami sa Horse ride, takot talaga akong sumakay sa kabayo kahit pabalik balik na ako dun e kahit isang beses neverko pang nasubukan ang horse riding, pero nung sinabi niya na "tara sakay tayo!" parang magic na hindi ko namalayan dahilnakasakay na kami sa kabayo, siya ang nasa harapan at ako naman ay nakatingin lang sa kaniya, dahil napakaganda ng ngiti niya,ng mga mata niya, at napakagat ako sa labi ng mapansin ko ung labi niya. Moving on... Naaya niya pa nga ako sa bungee jump, samantalang nung dati niaya ako ni Samantha dun ay di talaga ako natinag.Pero si Sarah, isang aya nya lang para bang wala akong magawa, para bang wala akong kahit anong takot. Speaking of takot,napapayag niya akong magpakuha ng litrato habang nakapulupot sa leeg ko ang sawa, may litrato rin ako kasama ang agila sa brasoko. ang pinakahuli naming pinuntahan ay yung isang restaurant kung saan makikita mo ang napakagandang view, habang bumababa ang araw.Alam ko mababaw pero isa sa pangarap ko ang makakita ng magandang sunset. And yep, kahit 21 anyos na ako noon ay never pa. Dahilnapakabihira ko lang sumama sa mga outing. Hindi agad kami kumain sa resto na iyon, dumiretso muna kami sa malapit sa banginpara enjoyin ung view. Tapos dun lang kami, nagkukuwentuhan at nagtatawanan. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya habang nagtatawanan kami."Huh? Dito mo ko hinatak eh." Natatawang sagot ko naman dahil iyon naman talaga."Hindi, ibig kong sabihin, dito, dito sa Tagaytay." Medyo siryoso ung tono niya pero nandun pa rin ung ngiti."Ahh, kakabreak lang kasi namin ng girlfriend ko." Sagot ko naman. Nakangiti ako pero naramdaman ko ung sakit dahil parangmay tumusok ulit sa puso ko. Tumarak ulit yung patalim na tila panandaliang nawala sa buong maghapon."Ahh..." Sagot naman niya na para bang wala lang.

Untitled 1Where stories live. Discover now