Sa kalagitnaan ng kadiliman ay patuloy siyang tumakbo, nagpapasalamat na lamang siya na suot niya ang kanyang PE uniform ng dumating siya sa mundong ito. Sabay ng bawat tunog ng kanyang mga yapak ay ang kakaibang mga boses na para bang malakas na tawanan.
Sa pagliko ng babae ay may nakita siyang pintuan, doon sya nagtungo sabay ng mabilis ngunit matahimik na mga galaw, at isinara ang pinto na hindi gumagawa ng kahit anong ingay.Misteryo man ang katauhan ng nilalang na iyon, ang kanyang natitiyak ay hindi ito ligtas at malubhang mapanganib ito...
Habang ang mga tawanan ay unti-unting humihina ay dahan-dahan siyang umatras at nagtago sa ilalim ng mesa na nasa gitna ng silid. Tinakpan nya ng mahigpit ang kanyang bunganga na para bang hindi niya ninanais na marinig ng nilalang ang kanyang nanginginig na boses o ang kanyang mabilis na paghinga. Tumutulo ang kanyang pawis sa kanyang noo at ang kanyang buong katawan ay nanginginig.
Biglang bumukas ang pinto na syang nagpabigla sa natatakot na dalaga. Ang tumatawang mga boses ay lalong-lalo pang nanghina hanggang sa naging mahina ito na para bang nasa malayo ang pinanggalingan nito.
Ngunit alam na alam niya na ito ay bahagi ng isang ilusyon at pagkukunwari. Alam niyang nasa loob ng silid ang nilalang at hinahanap siya...
Wala siyang magawa kundi maghintay at manalangin na aalis ang nilalang, at hindi siya matagpuan sa kanyang kinatataguan.May naramdaman siyang kilabot at para bang may mabigat na presensya sa kanyang likuran. Ang mga boses ay nagpatuloy parin sa pagtawa...
Sa pagkakataong ito, ayaw na niyang gumalaw, kahit pa mamamanhid ang kanyang katawan. Sa gilid ng kanyang mata ay may nakaligtaan siyang anino na nakatayo samay pinto, na para bang naghihintay ng oportunidad.'Wag mong sabihin...?!' ang kanyang naisip, dahil sa presensya ng taong iyon-- gusto na nyang gumalaw. Aakmang gagalaw sana siya ngunit unang gumalaw ang tao na nasa pinto, tumakbo ito sabay ng malalakas na yapak na para bang nag-iimbita na siya ang habulin.
Gumaan ang kanyang pakiramdam, nawala ang kilabot, gagapang na sana siya papalabas ng marinig niya ang malakas na sigaw na kumalat sa buong paligiran.
'Ilang beses ko na bang sinabi ito sayo...?' sinabi niya sa kanyang isipan sabay ng paglagay ng kanyang mga kamay sa kanyang mukha.Pumunta siya sa pintuan at dahan-dahang isinara ang pinto, malalim ang kanyang isipan. Umupo siya sa gilid ng divan sabay niyakap ang kanyang mga tuhod.
Bakit? Bakit ba ito nangyayari sa amin?!
Sabay ng pagtulo ng kanyang luha sa mga mata, may nalasa siyang kakaiba sa kanyang dila-- mapait... Ang pait ng pagsisisi...
BINABASA MO ANG
Trap in the Other
УжасыA story of Gabriella Martinez, a 9th grade student, who just started the second week of school day suddenly got dragged into a different school. She must do what she can to survive the odds and to seal away the realm from contact to the physical rea...