Gabriella
Sa kalagitnaan ng klase, marami akong naririnig na mga bulong sa mga kaklase ko. Magaling kasi sila masyado na ayaw na nilang makinig sa teacher.
Pagkatapos na tumingin yung teacher sa mga index card na nasa kamay nya ay bigla niya akong tinawag:"Sino si Grabriella Martinez?"
"Ako po, sir." simple kong sagot, habang tinaas ko yung kamay ko sabay tayo.
Pinabasa naman niya ako ng history content sa page 14 at bumalik sa discussion niya.
Ako si Gabriella Martinez, 14 years old at nasa 9th Grade, nag-aaral sa Capella Academy that had elementary, middle school, and high school departments.
Like any other schools, merong mga rumors about ghastly encounters dito. It spreaded orally, meaning, tsismis...
There was one of the rumors that concerns about a group of cultist students that performed a ritual, causing numerous incidents that leads near-death. In order to solve these incidents, the school called for exorcists and since then, staffs were replaced to prevent any uproar since it was already solved.
THEN, there was this common problem... May mga nawawalang malay and then mag-aact na walang nangyari, and they share something common everytime na mangyari yun-- they lack emotions.
Nakakakilabot nga rin everytime makikipagsalita sa kanila because it felt like their talking to an empty vessel or dolls.Tumunog na ang bell na nagsesenyales na tapos na ang mahabang oras sa paaralan.
Nagpaalam na ang aming history teacher habang yung mga maiingay kong mga kaklase ay dali-daling kinuha yung kanilang mga bag at iniwan ang mga upuan na hindi naman maayos. Kawawa naman yung ibang cleaners ngayon, pero hindi ko naman yun problema..."Uhy Gabriella!" bigla akong tinawag ng aming Class Representative, si Cherryline Lopez. "Huwag mong kalimutan yung mga kurtina bukas ah!"
Yung tinutukoy niyang mga kurtina is about the class contribution kung sino yung willing, marami naman kaming mga kurtina kaya nagpaalam ako.Tumango naman ako sa kanya, "Sure thing! Hindi ko yan makakalimutan Rep! Ako pa!!" pagmamayabang ko.
Meron kaming narinig na sigawan sa labas, marami ring mga taong pumunta para makita yung nangyari kaya lumabas kami. Sa corridor, may nakahandusay na lalaki sa sahig habang dahan-dahan siyang idinala papuntang infirmary ng dalawang teachers na dumaan.
"Nangyari na naman..." may narinig akong pag-uusap sa likuran ko. Totoo rin naman yung sinabi niya, ilang beses kaming may makitang hinimatay na estudyante sa isang buwan...
"Ano kaya ang nangyayari dito? I mean, normal naman ata yung may mahihimatay pero ang lulusog naman ng mga taong yun..." sabi pa ng kausap sa likod ko.
"Sabi nga ng mga seniors ay baka may nangyayaring kababalaghan dito sa school. Although sabi-sabi naman yun, alam mo naman na maraming usap-usapan tungkol sa mga rumors na yun..." sambit naman ng una. "Nakakawala ng gana ng pag-aaral ang mga kuwentong yun!"
Yun na yung huling sinabi bago pa sila umalis patungong kung saan nila plano...Umalis nalang ako kasabay ng iba.
Chineck ko muna yung locker ko at inilagay ko yung mga books na dala ko. Pagkatapos kong malagay yung English book ko, ay may napansin akong kakaibang bagay na nasa locker ko.
Ito ay isang kahoy na pentagon ang shape, it has gibberish from what seemed to be a baybayin writing on its side as if framing it, and ang nasa gitna ay parang symbol na parang nag-portray ng element.
Na-curious ako kaya itinanggal ko yung mala-token sa pagkakadikit sa loob ng locker ko. Medyo nahilo ako ng dahilan kung bakit kumapit ako sa door ng locker ko, nung nawala na yung pagkahilo ko, agad ko namang isinara yung locker ko.May bigla akong naramdamang lamig at nakakakilabot na presensya kasabay ng mga boses na parang tumatawa ng malakas. Lalo akong nagtaka, lumingon ako sa likod ko then doon ko nakita-- ba't madilim? Parang gumabi bigla, yung uri ng gabi na walang buwan...
Nahihilo ako, bago ko pa nalaman--
Nawalan na ako ng malay...
BINABASA MO ANG
Trap in the Other
HorrorA story of Gabriella Martinez, a 9th grade student, who just started the second week of school day suddenly got dragged into a different school. She must do what she can to survive the odds and to seal away the realm from contact to the physical rea...