Chapter 2

2 0 0
                                    

Gabriella

I decided to go back to the classroom, total dun naman talaga ako medyo feeling safe. Sa totoo lang, kung nasa ibang dimensyon ako mas mabuting may kasamahan ako pero since wala naman, ang unang lugar kung saan ako nagkamalay naman ang pinaka-safe.

Sa bahagi ng corridor kung saan ako liliko ng kanan para mapunta ako sa corridor kung saan yung room ko, ay may napansin na naman akong kakaiba. Usually kasi sa bahaging ito, may picture ng isang batang may hawak na bass at focus sya sa pagplay nun. Saglit lang akong tumingin nito at binilisan ko yung paglakad ko.

Teka, parang may mali...

Tinignan ko uli, isa na itong picture ng parehong bata pero nakaupo ito at ang mga mata'y parang tinititigan ka. Nakakakilabot na'to.
Hindi na ako tumingin pa ulit at nagpatuloy na ako sa paglalakad, baka kung ano-ano pa yung mangyari sa akin.
Lakad lang ako ng lakad sa takot na baka titingin ako sa likuran ko, iba naman yung makikita ko o kaya hindi kaayaaya.
Pagakatapos ng dalawang minuto, napatigil ako-- parang may mali na naman dito... Kanina pa ako naglalakad, ba't hindi pa ako nakarating sa classroom? Tumaas yung balahibo ko at nakaramdam ako ng kilabot, dali-dali kong pinasok yung kamay ko sa bulsa ko para naman mahawakan ko lang ang token.
Bumalik na yung nawalang lakas ko, at nagpatuloy ako sa paglalakad.

Nakarating ako sa classroom, salamat siguro sa token na nakuha ko. Tahimik akong napangiti sa na-accomplish ko kahit naman papano, nakasurvive ako sa pagbalik dito.
Aabot sana ako sa door knob when it twisted and the door went open, revealing a tall guy that wore oval glasses-- due to the light reflected by his other glasses-- he looked murderous and mad.
Hindi ako umimik and then...:

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!" sigaw naming dalawa sabay atras namin papalayo.

Agad-agad ko namang nilabas yung token at itinapat sa kanya.

"Hu-- huwa-- 'Wag kang gagalaw, k-kung ayaw mong maposasan at maging abo!" nanginginig kong banta sa kanya.

"Shush!!!" pagpapatahimik niya, "Baka marinig--"
Bigla siyang tumigil na para bang may pinapakinggan, nakinig rin ako sa surroundings...

May naririnig akong boses, para bang pinipilit nitong magsalita habang nagha-hyperventilating. May mga malilit na yapak kaming narinig.
Bigla niya kong hinila papasok sa classroom at ni-lock niya yung door.

Gusto kong magsalita pero hindi ito ang tamang oras para magsalita. Nakinig kami sa kapaligiran, mukhang yung source ng voice ay lumiko sa isang crossing area sa unahan.
Pagkatapos ng mahabang katahimikan, bigla siyang bumuntong ng hinga at nagsalita:

"Sigh, mabuti nga hindi tayo naabutan sa labas..."

Umupo siya habang sumandal siya sa pintuan.
Nakita ko sa kaniya na medyo relieve siya at lax kaya medyo wary pa ako sa kanya.

"...Sino ka?" pagtatanong ko sa kanya.

"Harold Villarez--" sagot niya habang nilagay niya yung kamay niya sa bulsa na para bang may kinuha.
"--kagaya mo, na-stuck rin ako dito..." dagdag niya sabay na pinakita sa akin ang isang pentagonal token, kagaya sa akin, although it is a stone.

Medyo na-relieve ako nang malaman na napunta siya dito at may dala siyang token, pero bakit napaka-kalma niya sa mga sitwasyong ito?

"At pa'no ko naman nasisiguro na mapagkakatiwalaan ka?"

Tumingin siya sa akin ng matagal saka na nag-explain: "Itong token na'to ang proof nun...

These tokens are created to seal away this warped dimension. Alam mo naman siguro yung exorcism na mga rumors around the school noh?
Yun yung ginawa nila. But someone messed with one of the seals, making the seal to be broken-- the initiative of the five seals were to look for capable spiritual mediums to rebuild the seal. Appearing before them in the physical world and within contact, the soul will be transferred into the spiritual world to perform the ritual.
There are five seals based on the Eastern elements: the fire, water, earth, metal, and wood. To escape this messed up realm, kailangan nating mabalik itong mga token back to its sealing sight."

Trap in the OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon