BRINT POV
"Sir nandyan po si Sir Cheno.." sabi sa akin ng empleyado ko dito sa Bar.
"Sige salamat." napabuntong hininga na lamang ako bago pumunta kay Cheno. Ano naman kayang problema nito. Bihira lang kasi pumunta yun dito, pupunta lang siya dito unless may problema siya o kaya naman ay gusto mapag isa."Anong ginagawa mo dito?" bungad ko sa kanya. Tinapunan niya lang ako ng tingin at ibinalik ulit ang atensyon sa iniinom niya. Umupo ako sa kaharap ng upuan niya para makita ko itsura niya. "Tell me may problema ka ba ngayon ? " uminom muna ito bago magsalita.
"Akala ko handa na ang sarili ko pag nalaman ko na ang lahat.."mahinang sagot nito bakas sa boses niya na nasasaktan siya. Problema ata sa love life ito.
"What do you mean?""Hi-hindi sila magkapatid.."at uminom ulit ito, napakunot naman ang noo ko.
'Sino ba tinutukoy nito?'
"Sinong hindi magkapatid?" naikuyom naman niya ang kamao niya.
'Fvck mukhang matindi ang galit ng gagong to ah.'
"Si Steph at ang kuya niya." Sagot nito
"What ? Teka nga hindi kita maintindihan. But how ?" naguguluhang tanong ko.Huminga muna ito nang malalim "Nagkita kami ni Arzkie kanina, I confronted him, sinabi ko na nakita ko si-sila ni Steph while kissing.." and my jaw was dropped.
'The fvck? Kissing ? Baliw na ba 'to ?'
"Bro naguguluhan na ako pwede ba diretsuhin mo na ako."
"Nagkita kami kanina ni Arzkie sinabi ko sa kanya na nakita ko sila na naghahalikan ni Steph the day before when accident happened. And umamin siya sa akin na hindi talaga sila magkapatid ni Steph, at sinabi niya na rin na mahal niya si Steph damnit!!" sabay suntok nito sa lamesa at doon ko napansin ang kamay niya na dumudugo dahil sa sugat.
"Anong nangyari sa kamay mo ? "
"Wala 'to. Umorder ka pa nga gusto ko pa.. gusto ko makalimutan itong sakit kahit ngayong gabi lang.. " sinamaan ko siya ng tingin."No that's enough Cheno lasing ka na baka kung anong mangyari sayo mabuti pa ay umuwi ka na."pagpigil ko dito. Ayoko naman na maulit ang nangyari sa kanya.Natigilan ako nang may mapagtanto ako, hindi kaya.."'Yun ba ang dahilan kung bakit ka naglasing at naaksidente noon ? Dahil sa nakita mo kaya ka nagpakalunod sa alak?" hindi siya umimik sa tanong ko. l knew it bakit hindi ko agad napansin yun.
"Bro bakit hindi mo na lang aminin lahat kay Steph para maayos na yung problema nyo, para hindi ka na umiinom diyan.""No. Hihintayin ko na siya ang magsabi nang totoo sa akin."
"What if kung hindi siya umamin sayo?"ngumisi naman siya.
"Then papaaminin ko siya.." tumayo ito sa upuan niya.
" Sige mauna na ako Brint. Ikaw na magbayad nang nainom ko.""What the fvck Cheno?!! Hoyyyy bumalik ka dito bayaran mo nainom mo!" sigaw ko dito pero hindi na ito lumingon.
'Bwiset na lalaki na yun malulugi ako sa ginagawa niya e!'STEPH POV
Gabi na at wala pa rin si kuya, saan naman kaya nagpunta yun ? Hays. Sinubukan kong tawagan ito pero naka patay ang phone niya.
"Iha ano bang iniikot ikot mo diyan at hindi ka mapakali diyan. ""Manang si kuya kasi wala pa nagaalala lamang po ako."
"Aba saan ba pumunta ang kuya mo ? Hayaan mo na at baka pauwi na rin ang kuya mo, kumain ka na muna dito." Nakanguso na lamang ako na sumunod sa kusina para kumain. Nakakainis naman si kuya, mabilis lang daw pero anong oras na wala pa siya!!
BINABASA MO ANG
MY BROTHER IS MY BOYFRIEND
RomanceSabi nila ang LOVE walang pinipili. Pero paano kung ang napili nito ay maling tao ? Itutuloy mo pa ba at ipaglalaban ang feelings mo para sa kanya ? O pilit mong iiwasan ng 'wag nang lumala ?