This is a tribute for the HUKLUBAN FAMILY. A short story written by Ellen for Jem, Jen, Anne, Fheng, Rowila, Carina, Riza, Rose, Quieeny, Kim, Ruel and James.
Theme Song : Close To You - Sam Milby
“When we honestly ask ourselves which person in our lives mean the most to us, we often find that it is those who, instead of giving advice, solutions, or cures, have chosen rather to share our pain and touch our wounds with a warm and tender hand. The friend who can be silent with us in a moment of despair or confusion, who can stay with us in an hour of grief and bereavement, who can tolerate not knowing, not curing, not healing and face with us the reality of our powerlessness, that is a friend who cares.”
― Henri J.M. Nouwen
Sa milyun-milyong tao dito sa Pilipinas, milyon din ang naghahanap ng trabaho.
“ Kelan kaya ako makakahanap? “, tanong ni Jen sa sarili.
“ Tyaga ka lang “, sagot naman ni Rowila, ang kasama nya sa inuupahan.
Kakagraduate lang ni Jen sa kanilang probinsya sa Iloilo at pagkatapos ng tatlong buwan, lumuwas na sya sa Manila para maghanap ng trabaho.
“ Halos dalawang buwan na rin akong naghahanap at ito tengga pa rin”, sagot naman ni Jen kay Rowila.
“ Ganun talaga ang buhay. Hindi lahat madali. O’ sya, alis na ako at baka ma-late pa ako sa trabaho. Kung may bakante lang sana sa amin, ipupwesto kita kaso wala eh.”
“ Sige, ingat.”
Nakalabas na ng pinto si Rowila nang bumalik sya.
“ Nakalimutan ko ang susi. Alis ka ba ngayon?”, sabi ni Rowila.
“ Baka makikipagsapalaran ako mamaya.”, sagot naman ni Jen.
“ Ok, good luck. Sana swertehin ka na.”
“ Sana nga girlalous.”
Naghanap uli si Jen ng work. Pasa doon at pasa ditto ng resume nya kaya pagdating ng bahay, pagod na pagod sya.
“ May dala akong pagkain. Tara kain tayo.”, sabi ni Rowila pagdating galling trabaho. May dala syang siomai.
“ Wow naman. Sige.”
May kumatok ng pinto. Binuksan ito ni Rowila.
“ Ms. Kim.”, kinakabahan na si Rowila. Isa lang naman ang rason kung bakit pupunta si Kim, ang maningil ng upa.
“ Katapusan ngayon ng buwan”, sagot ni Kim.
Ngumiti si Rowila. “ Ay oo nga no. Pasensya nap o, medyo busy lang kaya nakakalimutan. Pwede po bang bukas na lang. bukas pa po ang sweldo ko eh.”
“ O sige, babalik ako bukas.”
“ Thank you, thank you po.”
Isinara ni Rowila ang pinto at bumalik sa mesa.
“ Eto na pala ang share ko sa upa.”, abot ni Jen ang pera.
“ Itago mo nay an, ako na muna ang magbabayad ngayon. Kelangan mo pa yan sa mga gastusin sa lakad mo.”