Chapter 6

6 0 0
                                    

Flappy bird

Simula no'ng pinaringgan ko si Blessica ay napansin ko na ang pag iwas nya sa'kin. Syempre natakot e!

"I'm starving..." nakanguso kong sambit.

"You came here for food huh?" Jayden laughed.

I just rolled my eyes because I'm not in the mood for funny things. I just wanna eat... that's all...

It's saturday so I decided to visit my cousins on their house. I have nothing to do naman e so I'm gonna pass time here.

Patuloy pa rin naman ang pagtu tutor sa'kin ni Sir Gray at kahit papaano ay nabawasan naman ang kabobohan ko sa math.

"Here." sabay lapag ni Casper ng isang plate na may carbonara. He knows that it's my favorite.

"Oh!" nilapag naman ni Jayden ang pineapple juice.

Kinain ko agad iyon dahil gutom na ako at namiss ko ang luto nitong carbonara ni Casper.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay napaangat ang tingin ko sa dalawang pinsan ko na seryoso kong pinapanood sa pagkain.

"You're pretty but you're monster when it comes to carbonara..." Casper laughed mockingly.

Sinimangutan ko siya.

Sinasakyan ko na lang 'tong mga pang aasar ng mga pinsan ko tutal nakakatuwa rin naman sila kasama at kakwentuhan.

"Kamusta ang lovelife? Ay este ang tutor mo?" nanunuyang tanong ni Jayden.

Nanliit ang mata ko ng tiningnan ko sya.

"It's fine..." maikli kong sagot.

"Fine? Whoa!" gulat na nangingiting saad ni Casper.

"I thought you didn't need a tutor?" he chuckled.

Tinaasan ko na lang sya ng kanang kilay bago irapan.

"I don't have a choice. Kayo nagsabi e. Ayaw naman ako pakinggan..." I stared at them angrily.

They just both laughing like there's something funny on what I've said.

"You know what, Alli? I think you like your hot tutor..." si Jayden.

Binatukan ko na ang loko dahil naaasar na ako.

Tumawa naman siya. "Chill, sis... Masyadong mainit ang ulo e...

"Ganyan talaga dahil pinapainit ni Sir Gray ang araw nya..." pang aasar pa ni Casper kaya hinampas ko na ang lalaking 'to.

"You two, shut up! Di na kayo nakakatuwa." humalukipkip ako.

May mga araw na di ako natuturuan ni Sir Gray dahil sa mga meetings and seminars nya. Minsan naman pag hectic ang schedule ko dahil sa mga activities or school works ay di ako nakakadalo. Minsan nga ay di na rin sya nakaka attend ng klase namin kaya napapaisip na ako kung bakit gano'n.

Maaga kong pumasok ngayon dahil sa kahapon ay di ko man lang nasilayan dahil ibang teacher ang nagturo sa amin kahapon.

Hinawi ko ang buhok ko ng makapasok na sa aming classroom.

"Guys, wala raw si Sir. May seminar daw na pinuntahan kaya vacant natin ngayon..." sigaw ni Blessica sa harap ng klase.

Bumagsak ang balikat ko. Akala ko papasok sya. E paano 'yan may tuturuan nya pa ako mamayang lunch break.

Matamlay akong lumabas ng aming classroom at dinala ko ng aking mga paa sa library. Ewan ko kung bakit diti ko napunta. Siguro dahil sa tahimik at kailangan kong makapag muni-muni muna.

Too Young to Love You (Young Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon